Maximillian's POV Acquaintance namin ngayon kaya heto at nag-aayos na ako. Napatingin ako sa aking pinto nang may kumatok doon. Paglingon ko ay ang nakangiting mukha ng aking ina ang aking nadatnan. "You look lovely, Maxi." Napangiti kaagad ako nang sabihin niya 'yon habang tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Naghihintay na si Trek sa baba, kakadating lang niya." Nang sabihin niya 'yon ay bigla na lang bumilis ang t*bok ng aking puso. Hindi ako kinakabahan sa unang acquaintance na pupuntahan ko ngayon, mas kinakabahan ako na makakasama ko si Trek ngayon hanggang gabi. Tuluyan ng nakalapit sa akin si mom atsaka ako pinagmasdan. "I can see my younger days on you, anak. Nakakamiss ang mga araw na 'yon." Hinaplos niya ang mahaba kong buhok na medyo nakakulot. I did all my make-up a