Maximillian's POV "MAXI!" Muntikan na akong mapahinto nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na umalingawngaw na lang bigla rito sa buong hallway. Tuluyan na akong tumakbo dahil ayokong maabutan niya ako. Sanay rin ako magheels kaya komportable akong tumakbo na suot ito. Wala akong pakialam kung matalisod ako o ano, ang importante ay makalayo ako sa kanya. Dahil hindi ko ata kaya na harapin siya ngayon matapos ang nakita ko kanina. "Maxi!" Nakita ko ang isang lalakeng staff dito na nakahawak sa pinto na nasa aking harapan. I pointed him out which made him flinch a little. "Buksan mo ang pinto!" Utos ko sa kanya na kaagad naman niyang sinunod. He opened it for me kaya dere-deretso lang takbo ko, walang preno. "Maximillian!" Our distance is getting smaller each goddam second and