PARANG hinalungkat ang bituka ko na agad nang nailuwa ang tubig-dagat na nainom ko. Napaubo ako at unti-unting iminulat ang aking mga mata. Sa aking pagmulat ay ang mukha agad ni Larco ang bumungad sa akin. Hindi ko alam kung nililinlang lang ba ako ng aking paningin, pero parang nakikita ko pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa akin. Hapong-hapo pa ito at tumutulo pa ang tubig-dagat sa kanyang basang buhok papunta sa mukha ko. Nauubo akong bumangon. “Are you okay?” Inalalayan akong naupo ni Larco at hinaplos-haplos pa ang likod ko dahil sa pag-ubo ko. Nasa taas na pala kami ulit ng speedboat na palutang-lutang lang sa dagat dahil sa hindi pa nakabuhay ang makina nito. Nang mapatingin ako sa isla ay agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita itong tintupok na ng malakas na ap