“BULLSHIT! TANUNGIN MO NGA KUNG ANONG PROBLEMA NG LALAKING 'YAN AT TALAGANG NAKUHA PANG HUMARANG SA DAAN!” iritadong utos ni Darius sa kanyang tauhan. Agad namang tumango ang lalaki at mabilis na lumabas ng kotse. Napalunok naman ako at napapisil sa sarili kong daliri. Kailangan kong makalabas at makatakbo papunta kay Kuya. Akmang iaangat ko na ang isa kong kamay para sana buksan ang pinto at nang sa ganoon ay makatakbo sa labas, pero nahigit ko na lang ang sarili kong hininga at mabilis na binawi ang kamay ko nang biglang ibinaling ni Darius ang tingin sa akin. “Ngayon sagutin mo ang tanong ko, sinong tinawagan—” Hindi na natuloy ni Darius ang pagtanong sa akin dahil sa dalawang magkasunod na putok ng baril papunta sa sinasakyan namin na kinagitla ko sa gulat. Rinig ko ang tunog