HABANG nasa biyahe sakay ng kotse ay parehas na walang kibo sina Larco at Darius na para bang hindi magkakilala. Nakaupo silang dalawa sa tabi ko, sa kanan si Larco habang sa kaliwa ko naman si Darius. Kasama namin ang isa nilang tauhan na siyang nagmamaneho ng kotse. Hindi ko alam kung saan ba kami pupunta dahil wala naman akong lakas magtanong lalo na't napakatahimik nilang dalawa at napakaseryoso habang nakatanaw lang sa labas. Makalipas ang ilang minuto ay huminto na ang sinasakyan namin sa harap ng isang simbahan, o tamang sabihin na ampunan dahil marami akong bata na natatanaw sa loob ng bakuran na mga naglalaro ng tagu-taguan. “Huwag kang lalabas, manatili ka lang dito sa loob,” ani Larco sa akin at nakuha pang haplosin ang labi ko bago lumabas ng kotse. “Caloy, bantayan mo si