HUMAGULGOL talaga nang iyak si mommy nang makita ako, mahigpit ako nitong niyakap na halos hindi ko na ikahinga ng maayos. Sina Kuya at Dad na nasa duty pa ay agad na umuwe nang malaman na nakabalik na ako. Parang gusto ko tuloy matawa nang makita ang paglabas ng luha sa mata ng mga kuya ko. Para akong nahihilo sa mga yakap nilang lahat na tila ayaw na akong pakawalan. Ang layo ng pinayat ni Mommy, medyo lubog din ang mga mata nito na tila'y palaging walang tulog. Ngayon ay nakahiga na ako sa aking kuwarto. Gusto pa sana ni mommy na doon ako matulog sa kuwarto nila ni Dad dahil baka daw mawala na naman ako, pero tumanggi ako. Ganoon din sina kuya, nag-agawan pa sila, gusto nilang makitulog ako sa kani-kanilang kuwarto. Talagang kung turingin nila ako ay para pa rin isang bata na hindi pa