Chapter 42

3104 Words

Kierra's Point of View TANGING mga tunog lamang ng kubyertos ang maririnig sa loob ng dinning room kung saan kami kumakaing apat. Magkatabi sina Larco at Darius sa kabila, habang magkatabi naman kami ni Henry. Pare-parehas silang mga walang kibo at sige lang ang kain. “Henry, ayos na ba ang pakiramdam mo? Hindi na ba masakit ang katawan mo?” basag ko sa katahimikan at saglit na tiningnan si Henry. Parang bahagya pa itong naubo nang marinig ang tanong ko. “H-Hindi na,” sagot nito na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Tila bumalik na naman sa pagiging seryoso tulad ng dati. Anyari? Napasimangot na lang ako at pinagpatuloy na ang pagsubo. “Pagkatapos mong kumain, magbihis ka at sumama kay Henry sa kanyang pupuntahan.” Napaangat ako ng tingin kay Larco at bahagyang napakunot-no

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD