NAKATITIG lang si Larco sa akin nang seryoso hanggang sa umigting ang kanyang panga at napahaplos sa sariling pisngi na nasampal ko. “Masarap ba?” nakangiti kong tanong at muling bumungisngis. Ilang minuto niya pa akong tinitigan bago saglit na pumikit at bumuga sa hangin na tila ba pinapakalma ang sarili na huwag magalit. Sa huli ay isang buntong hininga kanyang pinakawalan. “Your dare, kailangan mo nang gawin 'yun,” seryoso niyang sabi at dinukot ang cell phone sa kanyang bulsa bago ito kinalikot at nilapag sa ibabaw ng mesa. “Three minutes, kapag hindi mo ako naakit sa loob ng tatlong minuto, ihahagis kita sa dagat mula dito sa rooftop pababa.” Napatigil naman ang pagtawa ko at napatingin sa ibabaw ng mesa. Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang nag-start na pala ang time