HABANG nasa biyahe sakay ng black limousine ay nanatili lang akong tahimik at ganoon din si Larco na nakaupo sa tabi ko. Hindi na niya ako tinapunan pa ng tingin hanggang sa huminto ang limousine sa isang pier kung saan nakadaong ang yate. Inalalayan niya pa akong bumaba hanggang sa makasakay kami ng yate at umalis na ang limousine na naghatid sa amin. “Pumasok ka na sa kuwarto na nasa second floor at matulog,” walang emosyon na sabi ni Larco sa akin bago ako tinalikuran. Napasimangot na lang ako at wala nang nagawa kundi ang sumunod sa kanyang sinabi. Pagkapasok ko ng kuwarto ay hindi na ako nag-abala pang magpalit ng kasuotan at dumiretso na lang ako nang higa sa ibabaw ng malambot na kama. May ilang minuto na akong nakahiga at nakatingin lang sa kawalan. Hindi pa rin ako dalawin ng