CHAPTER 3
Shamyka POV:
Mabilis na tumakbo ang oras.
Kaya sa pagsapit ng bagong umaga, agad akong bumangon sa higaan at dumiretso na sa banyo.
Hindi na rin ako nag-almusal pa dahil wala akong ganang kumain kapag nakikita ko ang mukha nila mom.
Ewan ko ba at nakasanayan ko ng gawin 'to every morning.
Matapos kong suotin ang uniporme, sumakay na ako sa aking motor.
Nakalimutan ko kasing dalhin ito kahapon dahil sa pagmamadali.
Pero ngayon na may atraso ako sa manyakis na 'yon, kailangan lagi ko 'tong dala.
Kaagad kong pinaharurot ang motor patungong campus.
Kung titingnan, halos kulay itim lagi ang sinusuot kong damit. Ang astig kasi masyado kapag ganito ang postura ko.
Ilang minuto lang ang tinagal at natunton ko na ang Universtiy.
Kaso sa mga oras na 'to, ibang-iba ang awra ng mga estudyante lalo na ang mga babae. Ang talim kasi ng tingin nila sa akin na tila gusto akong sakalin.
Napailing na lamang akong bumaba ng motor at pinili kong 'wag sila pansinin.
I know na masasayang lang ang ganda ko kapag pinatulan ko ang mga 'yon.
Dinukot ko sa aking bulsa ang isang bubble gum at nginuya ito sa loob ng bibig.
Maangas akong naglakad sa hallway na animo'y walang nangyari kahapon.
I don't fuckin care kung makita o makasalubong ko pa ang may-ari ng
University na 'to.
Wala na sa ugali ko ang tumakbo noh? And besides, pinaghandaan ko na ang aking sarili na harapin muli siya.
"Malandi ka!", sigaw ng isang dalaga kasabay ng pagsampal sa aking pisngi. Nagawa niya akong harangin sa daan at umeskandalo pa.
"Sa pagkakaalam ko, baguhan ka palang dito! Pero ang kapal din ng mukha mo para landiin agad ng ganon si Tyler! Ano bang pinakain mo sa kanya at nagawa mong kunin ang loob niya?!", galit na bulyaw nito.
Inayos ko naman ang aking buhok at saka ako tumingin ng diretsa sa mata niya.
"You know what, hindi ako pumapatol sa mga low class. Pero dahil sa ginawa mo, mukhang madudungisan yata ang kamay ko.", bigkas ko at kaagad ko siyang sinampal ng malakas.
Dahil sa ginawa ko, nagulat ang mga taong nakakita sa amin.
At kahit narinig ko ang mga bulungan nila, mas tinuon ko ang aking atensyon sa babaeng kaharap ko.
"Hindi ko na kasalanan kung nakuha ko agad ang loob ni Tyler. Sisihin mo 'yang sarili mo dahil panget ka.", malditang wika ko sa kanya.
"Wow lang ha? Kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda! Hindi mo yata alam kung sino ako sa campus na 'to!",
mayabang na saad niya.
"I am the only Queen here. Sinasamba ako ng lahat ng estudyante rito. Kaya matuto kang gumalang kung gusto mong makalabas ng buhay." patuloy nito na may pagbabanta sa boses.
"Tinatakot mo ba ako Ms.Queen? Kasi kung oo, hindi na 'yan sa akin umeepekto. Dahil ang takot na mismo ang natatakot sa akin. Kaya kung inaakala mong sasambahin kita, malamang hindi ko 'yon gagawin." palaban na sambit ko na may ngisi sa aking labi.
"Tandaan mo 'to, reyna ka lang, demonyo ako.", taas-kilay kong sabi ulit.
Hindi ko na hinintay pa na magreact siya dahil ako na mismo ang umalis.
Pero sa totoo lang, naguguluhan ako kung bakit niya sinasabi 'yon sa akin.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pekeng balita na nilalandi ko si Tyler.
Like duh, paano ko naman malalandi 'yon kung kahapon ko palang siya nakilala? Tsk.
Inis akong nagpatuloy sa paglalakad at hindi ko na nagawang lumingon pa.
Hanggang sa nadaanan ko ang soccer field kung saan maraming tao ang nagkukumpulan.
Kaya ang ginawa ko, lumihis ako ng landas. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na chismosa pagdating sa ganitong bagay.
Pero bago pa man ako makalayo, may humawak bigla sa aking braso.
"Bro! She's here. Andito ang jowa mo!", sigaw ng matangkad na lalaki na humawak sa akin. Potangena! Pakiramdam ko, ako ang naging centro ng lahat dahil nagsitinginan sila sa akin.
"OMG! She's so lucky!"
"Sana ako na lang si ate girl!",
"Masaya ako para kay Tyler, bagay sila!", i-ilan lamang 'yan sa mga narinig kong usapan.
Halos hindi ko tuloy maigalaw ang paa ko dahil pa rin sa gulat.
"I told you babe, hindi ka na makakawala pa.", sambit ng binata mula sa likuran ko.
At gaya ng aking pinangako kagabi, matapang ko itong hinarap.
"Tigilan mo na 'to.", pagpapahiwatig ng aking mata gamit lamang ang patitig ko sa kanya.
Ramdam ko naman ang kilig ng mga tao ngayon lalo pa't biglang lumapit sa akin si Tyler.
Buong akala siguro nila, girlfriend ako ng lalaking 'to.
"Babe, 'wag ka ng magalit. See, nag-effort ako para sa'yo. Para lang mapatawad mo ako. And I hope na magustuhan mo ang ginawa ko." malumanay na sabi niya at tinuro ang malaki kong picture roon.
'SHAMYKA IS MY GIRLFRIEND', basa ko sa mga letrang nakadikit mismo sa larawan ko.
Seriously? Nagawa niya agad hanapin ang f*******: account ko? The hell! Ito pala ang rason kung bakit maraming nagkukumpulan sa field.
And also, this is the reason kung bakit sinampal ako ng babae kanina.
POTAH!
Hinigit ko naman ang kamay ng binata para hilahin ito palayo sa mga estudyanteng nakatingin sa amin.
Nagkaroon tuloy ng issue sa pagitan naming dalawa.
Napatungo naman kami sa likod ng malaking puno kung saan hindi na ito masyadong kita. Kaya galit kong binitawan ang kamay nito at hinarap siya.
"Bakit mo ba ginawa 'yon ha?!", agad na tanong ko na may mataas na boses.
Pero tila wala itong narinig dahil nanatiling nakangisi ito na parang isang baliw.
"Pwede ba, kahit ngayon lang maging tao ka naman!", asar na bigkas ko.
"Tao naman ako ha? Taong gwapo.", mayabang na tugon niya.
"Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng tapang para sabihin 'yan! Sa lahat ng lalaki na nakilala ko, ikaw lang yata ang gwapong-gwapo sa sarili.", gigil kong saad.
"At ikaw din ang babaeng nakilala ko na hindi man lang naakit sa akin." pasegunda nitong sabi na ikinatigil ko naman.
"Alam mo Shamyka, babae na ang lumalapit at nanliligaw sa tulad ko. Kaya nagtataka ako, kung bakit hindi mo ako matipuhan?", patuloy na wika ni Tyler.
"Hindi ko na problema kung hindi kita matipuhan. Sadyang hindi ako mahilig sa lalaking may buhok na pula. Para kang manok na isasabong." panlalait ko sa kanya.
"And also, 'wag mo akong itulad sa ibang babae, okay?", mataray kong sambit muli at iniwan ko na siya sa pwestong 'yon.
Hindi na rin ako nangulit pang magtanong tungkol sa ginawa niyang palabas kanina dahil nakakabwisit siyang kausap.
Nagmadali na ako sa aking paglalakad para sa gano'n matunton ko na ang classroom. It's already 8:00 o'clock in the morning. At ilang minuto na lang, magsisimula na ang first subject namin.
Sa sobrang pagmamadali ko, may nabangga tuloy akong tao dahilan para mahulog ang mga dala nitong gamit.
"S-sorry. Hindi ko sinasadya.", natataranta kong bigkas kasabay ng pagpulot ko ng mga papel at libro.
"It's okay Miss. Kasalanan ko naman dahil hindi ako tumitingin sa daan.",
Because of the voice, napagtanto kong lalaki pala ang nakabangga ko.
"By the way, I'm Steven. And you are?",
"Shamyka. Shamyka Dela Cruz.", sagot ko naman kasabay ng pag-abot ko ng aking kamay para makipagshake-hands.
"Shamyka? It means, ikaw ang girlfriend ng kapatid ko?", kunot-noong tanong niya at pinagmasdan ng maigi ang mukha ko.
"Huh? Eh--",
I was about to explain, kaya lang muli itong nagsalita.
"Ikaw nga. Ikaw yung nasa malaking poster sa field.",
"--Anyway, ang ganda mo pala sa personal. Kaya pala ganon na lang mag-effort si Tyler sa'yo.", komplementong wika nito.
"Salamat pero hindi ako girlfriend ng kapatid mo. Baliw lang ang gagawa no'n para palabasin sa lahat na magjowa kami. Sige, I need to go. Male-late na kasi ako." mahabang litanya ko.
Pinili kong magpaalam na rin sa kanya para hindi na humaba ang usapan.
Naiirita lang ako kapag naririnig ko ang pangalan ng adik na 'yon.