CHAPTER 2
Shamyka POV:
Hingal na hingal akong nakauwi sa bahay namin. Hawak ko pa rin ngayon ang aking dibdib dahil sa bilis na pangyayari.
Yes, nagawa kong makatakas sa kamay ng lalaki kanina. May dumating kasing guard kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakbo.
Buong akala ko pa naman talaga wala ng tao, mabuti na lang at sumulpot si Manong. Siya ang naging savior ko sa mga oras na
kailangan ko ng tulong.
"Hija, anak, are you okay?", bungad na tanong ni mom sa akin.
Nakita siguro nito ang pagkapagod ko dahil nakaupo na mismo ako sa may tiles.
"Y-yeah, I'm okay. Just don't mind me.", tipid na tugon ko.
"Are you sure? Ba't parang namumutla ka yata Shamyka? Siguro may ginawa ka na namang kalokohan.", panghuhulang sabi niya.
Napa-iling na lamang ako dahil sa sinambit nito.
Ano pa ba ang inaasahan ko? Kahit naman hindi ko sabihin ang totoo, malalaman niya pa rin.
"Anak, I just want to remind you na hindi ka pa nag-iisang linggo sa University na 'yan. Kaya sana ayusin mo ang buhay mo. Kami 'tong nahihirapan ng dad mo sa kakahanap ng school para lang matanggap ka. And now na meron ka ng pinapasukan, gumagawa ka pa rin ng mali.", mahabang litanya nito na may halong lungkot sa boses.
Kahit medyo nangangalay pa ang aking paa, pinilit kong tumayo para hindi na mapakinggan ang sermon ni Mom.
To be honest, I hate my parents.
Sila ni dad ang dahilan kung bakit ganito ang ugali ko.
Nagbago ako dahil palagi nilang pinapakialaman ang buhay ko.
"Shamyka, kinakausap pa kita. Kaya 'wag ka namang bastos.", she said.
Blangkong ekspresyon ang naitugon ko sa kanya nang lingunin ko muli siya.
Maya-maya't naramdaman ko ang pagdampi ng palad nito sa aking pisngi habang hinahaplos.
"I know, until now galit ka pa rin sa amin ng dad mo dahil sa naging desisyon namin. Pero sana maintindihan mo kami. We're just doing this for you. Para sa ganon, magkaroon ka ng magandang future." malambing na wika niya.
Mapakla akong napangiti at inalis ko ang kamay niya sa aking pisngi.
"Wala ng magandang future ang nakatadhana sa akin mom, dahil sinira
niyo na.", cold na turan ko kasabay ng pagtalikod.
Lumakad na ako papasok sa kwarto at nanghihina akong umupo sa sahig.
Napadako naman ang aking tingin sa kalendaryo na nakapaskil sa dingding.
Isang buwan na lang pala.
Isang buwan na lang pala ang natitira at ikakasal na ako sa lalaking hindi ko pa nakikita.
Oo, matagal na 'tong napagplanuhan nila mom at dad. Kaya nga nagalit ako sa kanila.
Nagalit ako dahil hindi man lang nila tinanong kung pumapayag ba ako?
Palibhasa, nalulugi na ang kompanya namin kaya binibigay na nila ako sa iba.
Dahil sa naisip ko, biglang pumatak ang aking luha.
Ni minsan hindi ko naramdaman na minahal nila ako. They never treat me like a daugther.
Pakiramdam ko, wala lang ako sa kanila.
Sa kabila ng pag-iyak ko, tumunog naman ang aking cellphone sa bag.
May isang message akong nareceive. Nang buksan ko kung kanino galing 'yon, muling umapaw ang kaba ko.
"Naisahan mo man ako kanina, I will make sure na bukas hindi ka na makakawala pa.", basa ko sa mensaheng natanggap ko galing sa manyakis na lalaki.
Napahinga na lamang ako ng malalim at isinantabi ko na muna 'yon.
Wala na sigurong dahilan para matakot pa ako. I'm Shamyka Dela Cruz, kaya dapat lang na maging palaban na ako.
Kung kanina medyo tumiklop ako sa kanya, pwess ngayon, hindi ko na siya uurungan.