Chapter 2
[Georgina's]
Tulala siya habang naglalakad palabas ng elevator. Hindi niya alam kung bakit inaakit siya ngayon ng walangyang Sandro na iyon pero isa lang ang sigurado niya. She's so damn affected and it's fvcking wrong. Parang mali nga rin na sa penthouse niya ito dinala para mapagusapan ang tungkol kay Nisha eh.
"You're idling, George." Puna sa kanya ni Sandro. Nabalik naman siya sa diwa niya at napamaang. "Ha?" Sandro chuckled at kinuha nito ang card ng penthouse niya at ito na mismo ang nag-swipe upang ma-unlock ito. "You're swiping the card in a wrong way. Pfft." Natatawang saad nito at nauna pa itong pumasok kesa sa kanya. She frowned. Ang kapal din ng mukha ng isang to. Kung makapag-dire-diretso sa loob eh akala mo kanyang kwarto. Grr
Nakasimangot na naglakad siya papasok at isinarado niya ang pinto. Naabutan niyang prenteng naka-upo sa sofa si Sandro habang inililibot nito ang paningin sa buong paligid. Her penthouse is not that elegant as expected. Simple lang ang interior design nito. Purong kulay puti at pula lang ang makikitang kulay. Mapadingding man o kagamitan. Ang nagpaganda lang talaga sa buong unit nya ay ang floor to ceiling window kung saan tanaw na tanaw ang kabuuan ng Isla De Fierte.
"Not bad. Ang sexy ng kulay ng penthouse mo." Biglang saad ni Sandro at bumaling ito sa kanya. "Kasing sexy mo." Dugtong nito at pagkuwa'y kinindatan siya. Naramdaman niya ang pamumula ng pisngi niya at hindi niya maiwasang irapan ito. Parang tanga ‘tong lalaking to! Umaandar ang kamanyakan. "Why so pervert Middleton." Saad niya sa mataray na boses at pumasok siya sa kusina.
Narinig naman niya ang tawa nito. This is the naughty side of Sandro Marcus Middleton. He can get all the girls he want just by his 'pasweet' words. "Can I have some coffee?" Nagulat siya ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Paglingon niya ay halos kahibla na lamang ang layo ng mukha nila ni Sandro sa isa't isa. Hindi tuloy naiwasang magkatitigan silang dalawa. Oh God! He's dark brown eyes are hypnotizing her. Para bang hinihigop ang kaluluwa niya sa paraan ng pagkakatitig ni Sandro sa kanya.
Pinakatitigan niya ang mukha ng lalaki. From his dark brown eyes na sobrang nakakahipnotismo, down to his pointed nose and last, to his sexy lips na parang kay sarap halik--- "George alam kong gwapo ako pero sara mo yang bibig mo dahil baka pasukan ng laway." Naputol ang kanyang pag-iisip ng biglang magsalita si Sandro. Napamaang naman siya at nakita nya itong ngumiti sa kanya, showing his set of pearly white teeth.
Bakit ba napakaperfect ata ng pagkakagawa sa lalaking to! Ang unfair ha! "You're idling again. Hindi halatang gwapong gwapo ka sakin Georgina Del Fierte." Narinig niyang saad nito at natatawang lumayo ito sa kanya. Hearing his words ay napabalik siya sa tamang pag-iisip.
She composed herself at tinaasan nya ito ng kilay. "Ano?! Mahiya ka naman sa sinasabi mo Middleton. Gwapong gwapo ako sayo? Just eew!" Singhal niya rito at inirapan niya ito. But Sandro just laughed at her and smirk afterwards. "Really? Kaya pala dalawang beses kang natulala sa’kin. Tsk." He said while smirking.
Bigla naman siyang namula sa sinabi nito. Binuka niya ang bibig niya upang isalba sana ang sarili niya mula sa pagkapahiya ngunit wala siyang maisip na sabihin. She's suddenly run out of words. Kaya mas pinili na lamang niyang isara ang kaniyang bibig. "Oh bakit hindi ka makapagsalita? Coz I'm stating the truth. Hahaha anyway, can you make me a coffee?" He said while grinning from ear to ear. Napasimangot naman siya. Gash! This man is really getting into her nerves. Oh my good Lord sana bigyan nyo pa ko ng mahabang pasensya dahil baka di ako makapagpigil at mapatay ko ‘tong lalaki to!
"Che! Magtimpla ka ng sarili mo. Baka di pa ko makapagtimpi at ikaw ang buhusan ko ng mainit ng tubig!" Singhal niya at tinalikuran na niya ito. Narinig naman niya itong tumawa ng mapang-asar kaya napanguso siya.
Bakit ba lumalabas ang pagkapikunin niya kapag itong lalaking to ang kaharap nya. Really. Hindi na lamang niya ito pinansin pa at lalabas na sana siya ng kusina nang marinig niya itong magsalita. "Don't worry, gandang ganda din naman ako sayo." She frozed on what he said. Ramdam din nya ang biglaang pagbilis ng t***k ng puso niya. Narinig niya itong naglakad papalapit sa kanya at naramdaman niyang huminto ito mismong likuran niya. She suddenly felt his hot breath on her right ear.
"By the way, nice ass you got there George." He whispered sexily at nagulat siya ng tapikin nito ang kanyang puwetan bago ito natatawang nilagpasan siya at lumabas ng kusina.Pulang pula ang buong mukha niya at halos natulala na naman siya for the nth time.
Tangina ano bang sapi meron si Sandro ngayon at tila ba punong puno ito ng enerhiya sa katawan upang pagtrip'an siya?! At sa dinami rami ng pwedeng trip ang gawin sa kanya, bat pang-aakit pa?! Hindi ba nito alam na sobrang naapektuhan siya?! Grr!!!!
....
Kinabukasan ay maaga siyang umalis ng Isla Del Fierte at tumungo pa-Maynila upang bumili ng mga gagamitin nila sa surprise wedding ni Ashton para kay Nisha. Kagabi ay napag-usapan nila ni Sandro ang naturang plano. Ashton wanted to suprise Nisha para daw makabawi sa mga kasalanan nito sa kaibigan nya that's why they came up with that idea. A suprise wedding na siguradong magpapaluha at magpapaligaya sa bestfriend niya. Si Sandro ang nakaatas sa gawaing bantayan at sundan si Nisha. Si Ashton naman sa pagoorganize ng kasal, ofcourse it's his wedding, at siya naman ang naka-assign sa pamimili ng mga gagamitin at susuotin ni Nisha. Bukas na gaganapin ang kasal kaya aligaga silang tatlo sa pag-aayos. Siraulo din kasi yung Ashton na yun. Gusto ura-urada. Akala naman ganon kadali mag-oraganize ng kasal. Grr.
"Hello bff!" Bati niya kay Nisha pagkapasok niya sa hotel suite na tinutuluyan nito. Kababalik lang niya galing Manila. Iniwan nya ang mga pinamili niya sa event's hall kung saan gaganapin ang kasal bukas at tanging isang paper bag lang ang dinala niya. Naglalaman iyon ng susuotin ni Nisha para bukas. "Hello George. Nakabalik ka na pala. Anong nangyari?" Bati naman ni Nisha sa kanya. Lumapit siya rito at umupo siya sa kama nito. She must say that this is a very tiring day. Really. "Ok lang. May pinaalam lang sila Mom and Dad. Mukhang ‘di ko na talaga maiiwasan ang pagiging tagapagmana. Bakit kasi nagsosolong anak ako eh! I need to handle Isla Del Fierte from now on. Ano bang malay ko dito." Kunwaring naiinis na saad niya rito at pabagsak siyang humiga sa kama nito.
Really, parang gusto na niyang matulog agad pagkauwi niya sa penthouse nya. Pagod na pagod siya kakapamili. Of course what she said is a lie. As in pure lie. Her parents never forced her to handle the Isla Del Fierte. Why her parents knew that this is not her passion. "George tanggapin mo na lang ang katotohanan na ikaw at ikaw lang din talaga ang magmamana nitong Isla. Wala namang masama dito eh. Isla Del Fierte is a paradise. I'm sure you can handle the resort very well." Saad nito sa kanya. Ngumuso naman siya rito. "Ano pa nga bang magagawa ko." Kunwaring napabuntong hininga naman siya. Infairness, ang galing nyang umarte ha. Pang-FAMAS. "Anyway Nisha! I have something for you!" She said at bigla siyang bumangon. Bigla niya kasing naalala yung paper bag na dala niya. Kinuha niya ang paper bag.
"Ano yan?" Nisha asked her. She's 101% sure that this dress will be very fit to Nisha. At sigurado rin siyang si Nisha ang pinaka-magandang pregnant bride sa buong Century. Nakangiti siya habang maingat niyang inilalabas ng dress sa paper bag.
The dress is simple but full of elegance. Sinigurado niyang dekalikadad ang mapipili niyang damit dahil bestfriend niya ang magsusuot sa pinakaimportanteng araw ng buhay nito.
"Tada!" Nakangiting saad niya habang pinapakita ang dress kay Nisha. Nangunot naman ang noo nito habang nakatitig sa dress. "Aanhin mo yan? May party ka bang aattend'an?" Tanong nito sa kanya. Muntik na siyang matawa sa kainosentehan ng kaibigan niya. Hindi niya tuloy napigilan mapangiti ng nakakaloko dahilan upang lalo itong magtaka. "Na-uh! Hindi to para sa’kin. Para sayo to." She said while giggling.
"Anong meron?" Nisha asked out of curiousity. Ngumiti siya rito at umupo siya sa tabi ng kaibigan. "May pupuntahan tayong party bukas ng gabi. Okay? At etong dress na to ang isusuot mo." Paliwanag niya rito. "Ah George? I think, I can't be with you tomorrow, night." Saad nito sa kanya. Nangunot naman ang noo niya.
Eh?! Anong party?! Aba sinong hudas ang umimbita sa kaibigan niya! Maninira pa ng plano eh! "Ha? Bakit? May pupuntahan ka ba?" Tanong niya rito. Really mapuputulan niya ng ulo ang kung sino mang hudas ang nang-imbita sa kaibigan niya.
"Meron. Sandro invited me to come to his party, tomorrow night. Sa Event Hall ng Isla Del Fierte gaganapin. Hindi mo ba alam?" Nisha asked her again. Napatigil naman siya at napaisip. Oh that dumbass! Gumawa na pala ito ng alibi para mapapunta si Nisha bukas. Naks naman. Marunong din pala mag-isip ang gagong yun. Akala niya puro kamanyakan lang ang alam nun eh. Tss. "Really?! That's exactly the party that I am telling you! Naunahan na pala ako ng mokong na yun!" She said at kunwari'y ngumiti siya ng malapad rito. Nisha's forehead creased. Tila ba nagtataka ito sa ikinikilos niya. Parang nakakahalata pa ata ito.
"May communication na ulit kayo?" Takang tanong nito sa kanya. Bigla naman siyang napamaang. At halos muntik na niyang matampal ang noo niya nang maalala niya ng ang pagkakaalam ng kaibigan niya ay wala na silang komunikasyon ni Sandro. "Ha? A-ano. Ofcourse. We communicate each other regarding the party na gaganapin dito sa Isla. Yeah that's it." Alangang sagot niya. Oh Georgina! Asan na ang pagiging actress mong Famas! She eyed her for a moment at alam niya ang mga tingin niyang iyon. Nisha's been her friend for ages and Damn! She know her very well from head to toe! "Are you hiding something from me?"
She ask suspiciously na agad naman niyang kinailing. "Wala noh! Bat naman ako maglilihim sayo! Sige na bff! I'll go to my room na ok! I'm kinda sleepy na kasi. Hehehe basta ito suotin mo bukas! I'll fetch you tomorrow evening at 7pm. 8pm ang start ng party kaya 7 kita susunduin. Sleep ka na din. Mwa." Saad niya at mabilisan na siyang kumilos upang iligpit ang dress na ibinili niya.
Hindi na niya kaya pang magtagal dito lalo na kung ganito na ang sitwasyon. Alam niya kasing nakakahalata na si Nisha at baka mabuko pa ang plano ni Ashton kung di pa siya aalis. Kawawa naman si Ashton kung ganon. Pagkatapos niyang magpaalam rito ay mabilis na siyang lumabas ng silid nito at nahahapong napasandal siya sa pader.
Really sometimes, she's not good at lying!
Napabuntong hininga na lang siya at naglakad na sya papasok ng elevator paakyat sa penthouse niya She really wanted to lay on her bed and sleep. Buti na lang at nakapagdinner na siya kanina kaya pwede na syang matulog. She's really tired. At mas lalo siyang mapapagod bukas dahil aayusin nila ang avenue ng kasal.
She swipe the keycard nang marating na niya ang tapat ng pinto ng penthouse niya. She's about to enter the room when someone grab her wrist and made her back rested on the wall Napasigaw siya sa sobrang gulat at nanlalaki pa ang kanyang mga mata. "S-Sandro?!" Gulat niyang saad ng malaman niya kung sino ang humila sa kanya. Nakakulong siya sa pagitan ng mga bisig nito at malapit sila sa isa't isa. Eto na naman ang kakaibang t***k ng puso niya. "Saan ka galing?" Anito sa malamig at siryosong boses.
Napamaang naman siya. "Ha? Namili ako ng mga gagamitin ni Nisha bukas pati sa kasal. Bakit? Problema mo?!" She answered. She heard him hissed kaya naman nangunot ang noo niya. "Oh really? Or nakipag-date ka lang?" Anito at ngumisi ito.
She c****d her eyebrow on what he said. Siya nakipag-date?! At saang lupalop naman ng mundo niya ito nalaman?! "Gago ka?! Anong date pinagsasabi mo! Kasal ng bestfriend ko bukas at ang magaling mong pinsan na groom ng bestfriend ko ay inutusan akong mamili ng gagamitin for tomorrow tas makukuha ko pang makipagdate?! Duh!" Singhal niya rito at napairap siya. Napalayo naman sa kanya si Sandro at napahalukipkip siya nang makita niya itong nagpipigil ng tawa. "Oh bat ka nagpipigil ng tawa?! Itawa mo na yan baka mautot ka pa kakapigil."
Masungit niyang saad rito at narinig na niya itong napabunghalit ng tawa. Napatingin naman siya rito at di niya alam kung bakit pero naramdaman niyang lumundag ang puso niya while watching him laughing his ass out. After almost 3 years or what. Ngayon na lang niya ulit nakitang tumawa ng ganito si Sandro. Yang tawa niyang yan ang gustong gusto niyang makita araw araw.
"Y-you're unbelievable George." He said in between his laughters. Napanguso siya. Ano bang nakakatawa sa sinabi niya. Atsaka para talagang siraulo tong lalaking to. Kanina lang ay para itong tigre na handa ng lumamon ng tao tas ngayon para itong baliw kakatawa. Tss malapit na niya itong ipadala sa mental hospital. "You're crazy. Dyan ka na nga! Pagod na ko at wala na kong lakas pa makipag-usap sa tulad mong maluwag na ang turnilyo!" Saad nya at inismidan niya muna ito bago siya naglakad papasok sa penthouse niya. Naririnig pa rin niya itong tumawa at bago pa siya tuluyang makapasok ay narinig pa niya itong tumawa. "You just made my day, George. See you tomorrow. Take a rest. Have a goodnight." At narinig na niya ang mga yabag nito papalayo.
Napahinto siya at ramdam niya ang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Oh God! Bat ba ‘di mapigilan ng puso nya ang mag-react sa tuwing may gagawin o may sasabihin si Sandro na kagulat gulat. Ganon ba talaga kalakas ang epekto nito sa kanya?! Lagi na lang siyang naiiwang tulala dahil sa lalaking yun and it's not good!
....
(Basta. Mag-ayos ka na ok----- George? I'm already done. How about you?) Natigil siya sa pagsasalita ng biglang sumigaw si Sandro. Napalingon siya rito at sinenyasan niya itong huwag maingay. Kasalukuyan niya kasing kausap sa telepono si Nisha.
"George? Si Sandro ba yun? Magkasama kayo?" Tanong nito sa kanya. Natampal naman niya ang noo niya. Nalintikan na. Grr. Humanda itong lalaking ito sa kanya mamaya.
(H-ha?! H-hindi noh! Ako lang mag-isa dito. Sige na. Ibababa ko na to. Mag-aayos na din ako. See you later! Bye!) Paalam niya at mabilisan nyang binaba ang tawag bago pa ito makapagsalita. Inilapag nya ang cellphone niya sa ibabaw ng drawer at hinarap niya ang lalaki na kasalukuyang nagbibihis.
"Napaka mo talaga kahit kailan! Muntik na tayong mabuko!" Inis niyang saad rito at inirapan niya ito. Natawa naman ang lalaki sa kanya. "Sorry. I didn't mean to." Anito at umirap lang syang muli.
Nagtataka kayo kung bat nandito tong lalaking to?! Kahit sya nagtataka rin. Hindi nya alam kung anong klase ba ng rugby ang sininghot nito at dito nito naisipan maligo at magbihis. Feeling close ang gago eh!
"George paayos naman ng tie ko." Tawag sa kanya ni Sandro. Tinaasan niya ito ng kilay. "You're a business magnate. You should know how to fix your tie." Ani niya pero naglakad rin siya palapit dito. She hold his tie at maingat niya iyong inayos. "You're so beautiful in that dress." Narinig niyang saad ni Sandro sa kanya. Tinignan niya ito at nakita niya itong nakangiti. She rolled her eyes. "I know and thank you for the compliment." Pagsusungit niya at tinalikuran na niya ito pagkatapos niyang ayusin ang tie nito.
He heard him chuckled at di niya naman napigilan kagatin ang kanyang ibabang labi. Of course, yung pag-susungit niya rito kanina, it's just a cover up dahil ang totoo kinilig siya sa sinabi nito. Nang matapos sila sa pag-aayos ay sabay na silang lumabas at bumaba sa floor ng suite ni Nisha. Pinauna niya si Sandro sa event's hall dahil usapan ay siya ang susundo at magdadala kay Nisha sa hall.
"Hello bff! Are you done?" Bati niya rito pagkapasok niya sa suite ni Nisha. Tumayo naman ito mula sa pagkakaupo sa harap ng dresser at humarap sa kanya. "Ayos lang ba? Bagay ba sa’kin yung damit?" Tanong nito at napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan niya ang kaibigan niyang abala sa pagsusuri sa suot nitong damit. Sabi na nga ba niya eh.
Hindi siya nagkamali sa pagpili ng damit. Bagay na bagay kay Nisha ang suot nitong damit. "Whatever you wear, basahan man yan o ano, you're still the most gorgeous woman I have ever seen in my whole life, ofcourse my mom is an exception. I love you Nish and I wish you all the happiness that this world can provide. You deserved to be happy." Saad niya na ikinataka naman ng kaibigan niya. "Ano bang pinagsasabi mo dyan? Oo o hindi lang naman isasagot mo eh!" Nisha frown. Tumawa lang siya at maingat niya itong niyakap. "Like what other fairytale stories out there, nasa happy ending ka na bff. Almost." Bulong niya at lumayo na siya rito.
Ngumiti siya rito at hinawakan niya ang kamay nito. "So? Let's go." Aya niya rito at maingat niyang hinila ang kaibigan palabas ng suite. They went inside the elevator at bumaba sila sa 6th floor kung nasan ang event's hall. Ramdam niyang hindi mapakali si Nisha at tila ba nagtataka ito. Malakas talaga ang instinct ng bestfriend niya. Buti na nga lang at ‘di ito masyadong nagtatanong eh.
Pagkabukas ng elevator ay agad na silang bumaba at tinahak nila ang magarbong pasilyo papunta sa event's hall.
Doon nila nasalubong ang ina at kapatid ni Nisha na si Ashton pa ang mismong sumundo. Nagkayakapan ang mag-anak. Napapangiti na lamang siya habang pinagmamasdan niya ito.
Maya maya'y iginaya na niya sila Nisha. Narating nila ang tapat ng two wooden door ng event's hall.
"Are you ready Nish? Eto na yung pinakahinihintay mo. Wait. Dyan ka lang okay? I'll go get inside first." Aniya at bago pa ito makapagreact ay mabilis na siyang pumasok sa maliit na pinto na nasa bandang dulong bahagi ng hall.
Doon ay sinalubong siya ni Sandro. Ngayon lang niya napansin. He look dashing in his blue polo sleeves. Terno sila ng suot. "Andyan na ba si Nisha?" Sandro asked her at tumango naman siya. Sinenyasan naman niya si Ashton na nasa labas na ng event's hall si Nisha at ready na ang lahat.
Ashton smile at her at tumango. Infairness ang pogi ng magpinsan na ‘to. Binuksan na ang malaking pinto ng event's hall at kasabay noon ay pagtugtog ng violin at malamyos na pagkanta ni Sandro sa wedding song nila Ashton.
Honestly, nagulat siya ng malaman niyang marunong palang kumanta si Sandro. Like, she never heard him singing. As in ngayon lang and she's totally mesmerized by his voice. Duet sila ni Sandro sa kanta at hindi niya mapigilang hindi ito titigan habang magkapanabay silang umaawit. At eto na naman ang puso niyang titibok t***k.
The ceremony went well. Masayang masaya siya para sa kanyang kaibigan dahil sa wakas nakamit na nito ang happy ending na pinakakaasam asam nito. After all the struggles and such, sinong mag-aakala na kay Ashton pa rin pala ang bagsak ng kaibigan niya? How great Destiny works.
"What if we didn't broke up? Siguro kasal na rin tayo noh?" Nagulat siya ng biglang magsalita si Sandro. Tinignan niya ito at nakita niya itong nakatitig sa pinsan nitong masayang masayang nakatingin kay Nisha.
Sa ‘di malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot at napaiwas sya ng tingin. Bigla rin niyang naisip ang sinabi nito. Siguro kung hindi sila naghiwalay, baka nga kasal na rin sila katulad ng kaibigan niya at pinsan nito.
Kung hindi lang siguro nangyari ang mga nangyari noon.