CHAPTER 3

3922 Words
Chapter 3 [Sandro's] Nakatingin lang sya kay Georgina habang masaya itong nakikipagkwentuhan kay Nisha. Andito na sila sa reception at kanina pa nya ito pinagmamasdan at tila ba hindi sya nagsasawa. Why she's so Goddamn pretty tonight. Bagay na bagay ang suot nitong light blue na dress. He can say that Georgina changed a bit. From her looks to the way she moves. Everything's change about her. And maybe including her feelings for him. Nonetheless, she's still the old Georgina he met ages ago. She's still the woman he loved. "Baka matunaw." Napaigtad sya ng may biglang nagsalita sa kanyang gilid. Pagtingin nya ang pinsan niya pala. Ashton chuckled at umupo ito sa kanyang tabi. "Ikaw pala. Anyway, congrats bro." He congratulated him at nakipag-fist bump siya rito. He's happy for his cousin. He knew how much Ashton loves Nisha. Buong buhay ata nito ay kaya nitong itaya para sa babaeng pinakamamahal na ngayon ay asawa na nito. Well, Ashton is one lucky asshole. Why Nisha is one fine woman that could any guy wish for. Kaya kung sya din ang nasa katayuan ni Ashton ay baka itaya din nya ang buong buhay nya makasama lang si Nisha. But well, Nisha is for his cousin and he has his own fine woman. "Thank you, bro. How about you? Kailan ka ba ikakasal? Tita's so excited about your marriage." Natatawang saad naman nito sa kanya. Nangingiting napailing naman sya habang sumisimsim sya sa kanyang tequila. Marriage is not included in his plan right now. "Wala pa sa plano ko ang magpakasal. I haven't met the right woman for me." He said as he shrugged his shoulder. "Really bro? Or you already met the right woman but you just let her go?" Ashton said. Tinignan nya ito at nakita nya itong nakangisi. As if thinking that he had the right guessing. Afterward, he looks at Georgina who's holding a glass of wine right now. Sipping on her drink. She's still talking to Nisha na kumakain naman. Di sya umimik at napailing na lamang sya ulit. Di nya alam sa sarili nya kung tama ba ang sinabe ng pinsan nya o hindi. Alam naman nya kasi na ang tinutukoy nito ay si Georgina. Naalala nya tuloy yung sinabe nya rito kanina sa wedding ceremony. What if they didn't break up, maybe they are also married. He doesn't know what's gotten on his mind at nasabi niya ang mga katagang iyon kay Georgina. Hindi naman sya lasing that time. Maybe he's too overwhelmed kaya niya nasabi iyon. "Kung mahal mo pa, make a move to have her again. Hindi yung hanggang tanaw ka na lang." Narinig nyang saad muli ng pinsan niya. Muli syang napatingin rito at nakita nya itong nakatingin sa gawi nila Nisha. There's a grin plaster on his face. "Shut up bro. Epekto ba yan ng bagong kasal? Pfft." Biro nya at mahina syang tumawa. Tumingin naman sa kanya si Ashton. Hindi nawawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. "Douchebag. I'll better get back to my wife kesa samahan ka ritong tumanaw ng tumanaw kay Georgina. Where's the playful Sandro? Mukhang na-tamed ni George ah. Pfft dyan ka na nga." Natatawang saad nito at umalis na ito pabalik sa asawa nito. Napailing na lamang ulit sya at sumimsim sa kanyang inumin. Muli nyang binalik ang mga mata nya kay Georgina. She's still having fun talking to her best friend. Di nya tuloy maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan itong tumawa. She's so gorgeous. Really. Naalala niya tuloy yung sinabi ni Ashton. The playful Sandro Marcus Middleton? It's been 3 long years since he got tamed by the girl whose name is Georgina Del Fierte and he's still tamed by her. ... Ilang oras ang lumipas at napagdesisyunan nyang lumabas ng reception hall. Nagkakasiyahan pa rin ang lahat sa loob at sya naman ay nananawa na kakainom kaya mas pinili nyang lumabas na. Sumakay sya ng elevator pababa ng ground floor. He wants some fresh air. Lumabas sya ng hotel at malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa kanya. Kahit gabi na ay marami pa ring tao sa dalampasigan. Naglakad lakad sya at pinagmamasdan naman sya ng mga tao sa kaniyang paligid. Sino ba naman kasing hindi eh nakapang-formal attire pa sya. Formal attire on a beach. Maybe these people thinks that he's going crazy. He's wondering, ano kayang ginagawa ni Georgina ngayon sa reception? Bagi kasi sya lumabas ay nakita nyang umiinom pa din ito habang nakikipagkwentuhan sa nanay at kapatid ni Nisha. He can say that Georgina is already a little bit tipsy dahil sa itsura nito nang tignan nya ito kanina. Mabilis pa naman yun malasing. Suddenly his phone rings. He fished it out from the pocket of his pants and answered the call. "Hello, Nish?" Sagot nya. It's Nisha who called him. He wonders why. (Hi Sands! Where are you?) Tanong naman nito sa kabilang linya. "Seashore. Why? Is there any problem?" Nangunot ang noo nya ng marinig nya ang matinis na boses ni Georgina sa background. Parang nagwawala ito na ewan. Rinig din nya ang pang-aawat ni Nisha rito. "Nish? What's happening there?" Tanong nya rito at bigla syang naglakad pabalik ng hotel. Ano naman kayang ginawa ni Georgina? Ang ingay talaga ng background sa kabilang linya. Parang nagkakagulo na ewan tapos rinig na rinig nya ang hagikhik ni Georgina. (George stop. Oh my God!--- Sandro balik ka nga rito. Awatin mo si Georgina. She's drunk.) Yun lang at binaba na nito ang tawag. Napailing naman sya at dali dali syang tumakbo papasok ng hotel. Sumakay sya ng elevator papunta sa event's hall. Pagpasok nya sa loob ay nagkakagulo ang mga tao at todo awat kay Georgina. Tawa ito ng tawa na parang baliw habang kung anu-anong kalokohan ang sinasabe nito. Napabuga sya ng hangin at napailing na lamang sya. He went straight towards her. "Nish, ako ng bahala kay George. Pasensya na." Saad nya kay Nisha nang makalapit sya sa mga ito. Tinignan naman sya ng babae at nakakaunawang tinanguan at nginitian sya. "Salamat Sandro. Paki-uwi na lang tong si George sa pent nya. Pasensya na. Ewan ko ba bat naglasing tong babaeng to." Saad nito habang tinitignan ang kaibigang inaawat ni Ashton sa pag-iinom. Di na lang sya sumagot pa at tinungo na nya si Georgina. Hawak hawak ito ni Ashton at pinigilan ng pinsan nya ang tangkang pag-iinom pa nito. "Ano ba Ashtooonnnn! Gusto ko pa uminom! Don't stop me ok!" Saad nito habang pilit nitong inaabot ang shot glass kay Ashton. Agad naman nyang hinawakan sa braso si Georgina dahilan upang mapatingin ito sa kanya. She's drunk. Pulang pula na kasi ang buong mukha nito at namumungay na ang mga mata nito. "Oh hi, Sandrooooo!" Bati nito sa kanya at ngumiti ito ng malapad. Hindi nya ito pinansin, binalingan nya si Ashton at tinanguan. "Ako ng bahala sa kanya. Asikasuhin mo na si Nisha. Iuuwi ko na rin naman to." Aniya rito. "Mabuti pa nga. She's really drunk. Baka mapahamak pa yan pag di mo inuwi." Sagot naman nito. Tumango lang sya at umalis na su Ashton upang puntahan ang asawa nito. Binalingan naman nya si Georgina na pipikit pikit na. Napabuntong hininga sya. Ano bang naisipan ng babaeng to at nagpakalasing ito. At talagang dito pa ito nagwala sa reception ng best friend nya. Dummy. "George, wake up. Hey." Tinapik tapik nya ang pisngi nito upang mapamulagat ito. Tinignan sya nito. "Hmm?" Halos di na ito makamulat ng ayos sa sobrang kalasingan. Nawawalan na rin ito ng balanse kaya naman inalalayan nya ito ng maigi. "Let's go home. You're already drunk, woman." Saad nya sa siryosong boses. Ngumuso naman ito sa kanya at bahagyang lumayo. Muntik pa itong mabuwal kung di lang nya ito naalalayan agad. "At bakit?! Ayoko pa umuwi! Di pa tapos yung reception!" Tanggi nito. "George, I said let's go home. Wag kang makulit." Ani nya sa naiinis na boses. Naiinis talaga sya sa tuwing nagpapakalasing si Georgina. Ayaw na ayaw nyang umiinom ito dahil mababa ang alcohol tolerance nito. Ngunit sadyang pasaway ang babae at ginagawa kung ano ang ayaw nya. Sabagay, sino ba naman sya para sundin sya nito? Matagal na silang hiwalay, wala na syang karapatan mangialam kung ano ang gusto nitong gawin. "Ayoko pa nga! Ikaw yung makulit! Sabeng ayoko pa!" Giit nito at para itong batang nagmamaktol. Napapikit naman sya ng mariin dahil sa inis. Naffrustrate na sya sa inaasta ni Georgina. "Bat ba ang kulit mo? Sabe ko uwi na tayo." Naiinis na saad nya rito at hinawakan nya ang palapulsuhan nito. She frowns na sya namang kahinaan nya. Why she looks so adorable when frowning! Damn it! "Ayoko pa nga kasi eh! Sandro naman!" She said while pouting her lips. He stunned. Why the f**k she looks so fuckable-- rather, adorable right now! With her crimson red face, red lips, at mapupungay na mata. Oh God! He might lose his sanity! He clears his throat at binalik nya ang blangko nyang ekspresyon. Hindi dapat sya magpadala sa charm nito. No Sandro. Get a grip on yourself. "Stop pouting. You look like a duck. Now, let's go home." He said with finality in his voice. Aangal pa sana ang babae nang buhatin nya na ito in a bridal style. Nagulat naman ito at tila parang biglang nawala ang kalasingan nito sa ginawa nya. "Sandro! Hey, ano ba! Ibaba mo ko!" Anito at nagsimula itong maglumikot. Sumenyas lang sya kela Nisha at Ashton at naglakad na sya palabas ng hall bitbit bitbit si Georgina. "Sandro ano ba! I said put me down!" Pagpupumiglas pa rin nito. "Wag kang malikot. Pwede." Masungit nyang saad rito habang naglalakad sila papasok ng elevator. He pushed the penthouse floor button when they already get inside. "Ibaba mo kasi ako! I know I'm drunk but I am not disabled! I can walk on my own." Naiinis namang saad nito sa kanya. Di nya ito pinansin. Kahit anong gawin nitong pagpupumiglas, hindi nya ito ibaba. The elevator stop and the door opens. Lumabas sila at tinungo nya ang pent nito. He stops in front of the door and he fished out the keycard from his pocket. Nagulat naman ang babae nang makita nitong hawak nya ang keycard ng penthouse nito. "Hey! How did you get my keycard?!" Gulat na tanong nito sa kanya. He just smirks at her and makes his way up to her room when they get inside. "I have my ways, woman." He plainly said. Nakita naman nya ang pagnguso nito at natawa na lamang sya at the back of his mind. Nang marating nya ang pinto ng kwarto nito ay binuksan nya iyon at diretso syang pumasok sa loob. Inilapag nya ang babae sa kama nito. "Ang bigat mo." Saad nya rito. Nakita naman nyang ngumuso ito. "I'm not heavy! And it's your fault! Di ko naman sinabeng kargahin mo ko!" Angil nito sa kanya. He just chuckles. Of course, he's just joking. Di naman ito mabigat eh. "Matulog ka na at magpahinga. Inom inom pa kasi. Tss." He hissed. Inirapan naman sya nito. Nasabe na ba nyang she's turning him on kapag nagsusungit ito sa kanya, kung di pa, ngayon nasabe nya na. "Makakaalis ka na! Thank you anyway." Masungit nitong saad sa kanya at inismidan sya. He just shrugged his shoulders at tinalikuran na nya ito. Naglakad na sya papunta sa pinto and he's about to leave when he heard her said... "Kanina ko pa gustong sabihin to, but I don't have the strength. But, regarding what you said a while ago, kung what if di tayo nag-break, siguro nga kasal na tayo. We're already happily married and maybe we already have our own happy family. Yun lang, goodnight." Anito at narinig nya ang pagbukas sara ng pinto ng banyo. Napahinto sya at tumingin sya sa nakasaradong pinto ng banyo. Hindi nya alam kung bakit pero nakaramdam sya ng panghihinayang sa sinabe nito. Dapat lang manghinayang ka Sandro dahil sinayang mo sya. [Georgina's] Nagising syang sumasakit ang kanyang ulo. Para bang pinupukpok ito at sobra ang kirot. Sapu-sapo ang kanyang ulo ay umupo sa kanyang kama. Bahagya pa syang nakapikit habang hawak hawak nya ang kanyang ulo. "Ouch. Hangover kainis." Mahinang bulong nya sa sarili. Ano ba kasing naisipan nya at nagpakalasing sya. Nawawala pa naman sya sa sarili kapag nalalasing sya, well kahit sino naman pero iba sya kapag nalalasing. Nakakahiya kasi dun pa talaga sya nagpakalasing sa reception ng best friend nya. You are so embarrassing Georgina. Itinali lang nya ang kanyang buhok at bumangon na sya. She went straight to the bathroom to do her morning ritual at pagkatapos ay lumabas na sya ng kanyang kwarto. Sapu sapo pa rin nya ang ulo nya habang pababa sya sa kusina. Bahagya pa syang nakasimangot. Mamaya nga ay bibili sya ng gamot. "Good morning George." Nagulat sya ng may biglang bumati sa kanya pagkapasok nya ng kusina. Iminulat nya ang mga mata nyang bahagyang nakapikit at doon ay nakita si Sandro na nakasuot ng apron nya habang may hawak na dalawang plato. He's smiling sweetly at her and God, he looks so handsome in her apron. "G-good morning." Nahihiyang bati nya rito. Nginitian lang sya ni Sandro at inayos na nito ang hapag kainan. Pinanood lamang nya ito. Hindi nya maiwasang mapatulala rito. Why he looks so charming. She can't help to drool over him. Bagay na bagay rito ang suot nitong apron. "Kain na George. Masakit ulo mo?" He asks gently. Napatanga naman sya. What's with this man? Bat parang ang caring nito ngayon. He even pulled her a chair. Nagtataka man ay umupo sya roon. "Uh. Yes. Hangover tho." Sagot nya. She heard his chuckles. "Yan inom pa kasi. Here drink this." Anito at may inilapag itong painkiller sa harap nya and a glass of orange juice. "It will ease the pain. Wag ka na ulit uminom. Tss." He hissed at naupo na ito sa kanyang harapan. Napatingin naman sya rito. Oh yeah naalala nga pala nya, ito nga pala ang naghatid sa kanya pauwi. "Thank you nga pala." Mahinang usal nya habang kumukuha sya ng fried rice at bacon. "No problem. Ang hirap mo pag nalalasing. Para kang nasasaniban." He said as he shrugged his shoulders. Napatingin naman sya rito at napasimangot. She knows! Di na nya kailangan pang ipamukha. "Che! Kumain ka na nga lang dyan!" Asik nya rito at nagsimula na syang kumain. Narinig naman nya ang mahinang tawa nito at nagsimula na rin ito kumain. .... "Hindi ka pa ba aalis?" Tanong nya kay Sandro nang makababa sya ng kaniyang silid. Katatapos lang nya kasi maligo. Medyo ok na ang pakiramdam nya. Hindi na kasing sama di tulad kanina. Salamat sa ibinigay na pain killer ni Sandro. "Pinapaalis mo ba ko?" Tanong nito sa kanya at bahagya syang nilingon. Prente kasi itong nakaupo sa sofa habang nanonood ito ng tv. Wow, feel at home ang loko. "Hindi naman. Baka kasi may gagawin ka. Atsaka wala ka bang trabaho?! CEO ka diba?!" She said and she sat beside him. "Well, I'm on vacation leave right now. I am the CEO, I can take a vacation any time I want." He said as he shrugged his shoulders. Napairap naman sya. What an irresponsible CEO. Kawawa mga empleyado nito. "Kahit na ba. CEO ka, you should be responsible." She said and she rested her back at the back of the sofa. Tinignan naman sya ni Sandro. "I'm a responsible CEO lady. Tinapos ko muna lahat ng kailangan kong tapusin before I take a leave, lady." Anito na nakakunot noo. She looks at him and she chuckles. "Ok, as you said so. Basta wag ka lang magstay dito lagi sa pent ko!" She said jokingly. Mas lalo namang lumalim ang pagkakakunot ng noo nito sa sinabe nya. "Ayaw mo ba akong nandito?!" Saad nito sa naiinis na boses. She arches her brow and crossed her arms in her chest. "Oh bakit?! Feeling mo close tayo para araw araw kang tumambay dito?!" Kunwaring nagtataray na saad nya rito. Of course, she's just joking. She's just trying to pisses him off at mukha namang natalab. "You're impossible! Gusto ko dito eh!" Anito sa naiinis na talagang boses. Inirapan naman nya ito. "May sarili kang suite! Sayang naman yung binabayad mo kung di mo gagamitin." Pagtataray nya ulit rito. Duh! Nagsasayang ng pera ang isang to. Porket mayaman eh. Sandro shrugged his shoulders at bumalik ang paningin nito sa pinapanood. "Ayos lang at least kasama kita." Mahinang bulong nito na nakarating naman sa kanya. Dahil doon ay bigla syang napatahimik. Napamaang sya at ramdam nya ang biglaang pagbilis ng kanyang puso. What's up with this man!!!! Buong maghapon silang magkasama ni Sandro sa pent nya. Hindi sila lumalabas o ano. Andun lang sila maghapon at inuubos ang oras sa panonood ng tv at sa walang humpay na kulitan. Ewan ba nya pero aminado syang nag-eenjoy sya sa company ni Sandro. Ngayon na lang ulit sila naging ganito after how many years. At aminado rin sya na namiss nya to. Yung ganito sila. "George, are you free tonight?" Tanong ni Sandro sa kanya habang sila ay kumakain. Oo, andito pa rin tong mokong na to hanggang ngayon. Di nga nya alam kung bat di pa ito umaalis eh. "Hmm, yeah. Why?" She asks after she took the spoon of rice in her mouth. "Wanna hang out with me?" He asks. Napatingin naman sya rito at nakita nyang nakatingin din ito sa kanya. She smirks. "Are you inviting me for a date?" Natawa naman ito sa tanong nya at prente itong sumandal sa silya. "If that's what you think, then yeah." He said and he flashed his boyish smile. Natawa naman sya. A date in a bar? Not bad, she guesses. "Pfft ok. Wait. I'll just go upstairs and change my clothes." Saad nya at dali dali syang tumayo at umakyat sa kwarto nya. Narinig pa nya ang mahinang pagtawa nito. Wait, Georgina! Bat parang excited ka ata?! Hindi naman ito ang unang beses na makakapasok ka sa bar ah! Maybe because the fact of Sandro and her were having a date excites the hell out of her. Pagkapasok na pagkapasok nya sa kwarto nya ay agad syang tumuloy sa walk in closet nya. Naghalungkat sya doon ng pwede nyang isuot at sa dami ng damit nya wala syang mapili. She doesn't know what to wear! Sa ilang minuto nyang paghahanap ay sa wakas may napili na sya. She just chose to wear a plain white romper and plat sandals. She tied her hair in a ponytail and put some light makeup on her face and she's already done. She gets her purse and her phone at sa huling sulyap ay pinasadahan nya ang sarili nya sa full-length mirror na sa kwarto nya. Nang kuntento na sya sa look nya ay mabilis syang lumabas ng kwarto at bumaba. Naabutan nyang ok na si Sandro. Sa tingin nya ay pumunta ito sa suite nito upang magpalit ng damit. He looks so dazzling with his washed-out gray jeans and super thin-stripe tees. Layer with a light bomber jacket and pair of derbies. Napatingin sa kanya si Sandro nang maramdaman nito ang presensya nya. Her cheeks flushed when he eyed her from head to toe. "You look stunningly beautiful." He whispered nang makalapit sya rito. Ewan ba nya pero nakaramdam sya ng hiya. Di sya umimik. Tila ba napipi sya. Leshe Georgina! Anong nangyayare sayo! "Di ka ba lalamigin sa suot mo?" Tanong sa kanya ni Sandro at pinasadahan sya ng tingin. "Ha? Hindi. Ano tara na hehe" She said awkwardly. Naiilang kasi sya sa paraan ng pagkakatingin sa kanya ni Sandro. Tila ba napapaso sya at tumatagos sa kasuluksulukan nya ang mga titig nito. Tumango tango naman si Sandro at inaya na sya nitong lumabas. Wala silang kibuan hanggang sa makababa sila at makalabas ng hotel. Pero pagpasok nila sa loob ng Tiki bar ay nagulat sya ng biglang pumulupot ang braso nito sa kanyang bewang. Pulling her closing to him. "Stay close to me." He whispered at napatango na lamang sya. Maraming tao ngayon dahil na rin sa weekends. Halos lahat ay nagpapakalasing at yung iba naman ay todo hataw sa dance floor. Dumiretso sila ni Sandro sa bar counter. He made her sit on the stool. "Good Evening Ms. Georgina." Bati sa kanya nung bartender. She just smiles at him. Kilala sya ng mga empleyado dito dahil na rin sa anak sya ng may-ari. "Don't drink George." Paalala sa kanya ni Sandro na nasa tabi nya. She pouted her lips. Wala syang balak mag-inom ngayon. Di naman sya lasinggera. "I know." She said while frowning. Tumango tango naman ito. He ordered some beer. Napatingin naman sya rito at pinagmasdan nya ito habang nakatanaw sa dance floor at tumutungga sa beer nito. Why he looks so damn attractive in her eyes. The way he drinks his beer, para bang nakakaakit. Lalo na kapag gumagalaw ang adam's apple nito. Ang gwapo naman nito! Kainis! She frowns at inilibot nya ang paningin nya. Hindi nga sya nagkakamali, he captured all the women's attention here. Halos lahat ng kababaihan sa loob ng bar na ito ay pinagmamasdan si Sandro. And the f**k because it irritates her! "George?" Napatingin sya kay Sandro ng bigla sya nitong tinawag. "Bakit?" Ibinaba nito ang basong hawak at tumayo. Then he pulled her to stand up and holds her hand. "Let's dance." He said and he smiles at her. Nagulat naman sya at nagpadala na lamang sya rito ng hilahin sya nito dance floor. Her heart starts beating rapidly when he wrapped his arms around her waist and they start swaying swiftly. Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya. Mas nangingibabaw ang t***k ng puso nya kesa sa musika sa buong paligid. The lights were dim pero titig na titig lamang sya sa gwapong mukha ng lalaki. Oh my God! Ano ba tong nararamdaman nya.... "George." Napakurap kurap sya ng biglang banggitin ni Sandro ang pangalan nya. Nakita nyang nakatitig ito sa kanya and there's something in his eyes that she can't explain. "B-bakit?" Nauutal nyang tanong rito. Why the f**k is she stuttering! "I'm sorry but I really need to do this. Hindi ko na kayang pigilan pa." Anito at magsasalita pa sana sya ng biglang lumapat ang mga labi nito sa kanyang labi. Natulala sya at biglang napatigil. Hindi sya makagalaw, ni hindi rin sya makakurap. Mas lalo pa atang lumakas ang t***k ng puso nya at bigla ring nag-blur ang paligid. Sandro started moving his lips unto hers in a very gentle way. Sipping her sweet natural pink lips. Nanatili syang tulala. But afterward, she found herself answering his kisses. She starts moving her lips with his lips. She closed her eyes and wrapped her arms around his neck. Sandro pulls her waist closed to him. They even deepened the kiss and this time they don't bother the people around them. Tila ba nablangko ang isipan nya at ang tanging tumatakbo lang sa isip nya ay silang dalawa ni Sandro. Sandro pulls away when they almost run out of breath. Idinantay nito ang noo nito sa kanya. Habol habol pa nilang dalawa ang mga hininga nila. "My Georgina, stop me before I even lose all my control." He whispered. How can I stop you when I can't even stop myself... ••• What can you saaaaayyyyy? Spare me some comments and suggestions. :> Daily update starting from today! ❤️ -ate Ck :>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD