Chapter 20

1038 Words
Hindi ko na maalis sa paningin at isipan ko si Sir Evan.  I'M CRAZY! I'm just stealing glances at him the entire time that we're together. Mas lalo pa akong naiintriga sa kanya. Hindi kami pwedeng mag-usap ni Sir Evan ayon kay Miss Hana. Maliban lang kapag may kinalaman sa trabaho kaya para akong isang timang na patingin-tingin lang kung saan saan. I can't even leave coz I'm worried about him. He's my responsibility. Big word! Kaya nga nang matapos ang meeting niya with the investor sa isang private place ay nasa loob lang ako ng sasakyan. Hindi kasi ako pwedeng sumama sa loob. Hinintay ko na lamang siyang lumabas kahit na may part sa'kin na gusto ring maglakad lakad at magmasid-masid sa paligid. Remember this is Beijing! I want to make this trip worth it. Siguro mamayang gabi na lamang kapag tulog na si Sir Evan at hindi na niya ako kailanganin pa. Nag-iisip na ako ng mga magandang gawin at nagsesearch ng mga good places na malapit lang sa hotel na tinutuluyan namin nang matanaw ko, na nakalabas na silang dalawa ng kausap niya. Hinatid niya muna ito sa sasakyan niya at saka dumeretso sa kung saan kami naka park. Nang malapit na siya ay lumabas ako sa sasakyan at pinagbuksan siya. Actually, I'm his driver now. Mabuti na lamang at mahilig din ako sa mga sasakyan kaya nag-aral talaga ako mag drive. I can say na malaki talaga ang tulong ko sa kanya rito. I act as his secretary, driver and alalay. Im doing all sort of things that he wanted me to do for him. Siguraduhin lang nila na may bonus akong matatanggap dahil dito or else I'm gonna sue them all. Char. I can't do that. So far, I'm treated in a nice way kahit papaano. Hindi rin naman siya nag-uutos ng hindi related sa trabaho kaya I don't have anything to say against him. "Let's go back to the hotel." maikli niyang tugon matapos makapuwesto sa loob ng sasakyan. "Yes sir." I answered him back quickly. After no'n ay wala na muling boses na pumailanlang. Napuno ng katahimikang nakakabingi ang ilang minutong byahe namin pabalik ng hotel. Nang mapahinto kami sa isang stoplight ay muli akong nagnakaw ng sulyap sa kanya. Although it's awkward na gawin 'yon ay parang may humihila sa'king gawin... tipong naglalaban ang dalawang panig sa kung ano ang dapat kung pakinggan. Pero sa huli ay nanaig pa rin ang bugso ng malikot kong isipan. Tahimik ko siyang minamasdan sa salamin ng sasakyan habang nakapikit ang singkit niyang mata na may mahahabang pilik mata. I never saw any emotions other than seriousness and mystery in his eyes. Will they change when he's happy? or...will time comes that he'll be happy? Ibinababa ko pa ang paningin ko sa matangos niyang ilong. Ngayon ko lang din napansin ang nunal niya sa upper left side ng bibig niya. It's pretty. Napahinto ako sa pagpapantasya nang magsimula na muling umandar ang mga sasakyan. Bago ko siya iniwanan ng tingin ay kalmado pa rin siyang natutulog. Hindi na muli akong nakasulyap, at ilang minuto pa ay naramdaman ko na ang kanyang paggising. "We're here Sir."  sambit ko nang hindi ko man lang siya magawang tingnan. Sana kasi palagi ka na lang tulog para may pagkakataon akong masulyapan ka ng walang iniindang takot at kaba sanhi ng pagpipigil. Wala akong narinig na anumang salita mula sa kanya at bumaba na lamang 'to ng sasakyan at naglakad papasok ng hotel. Sa totoo lang I feel disappointed. Naglalakad na ako pabalik sa room ko ng may natanggap akong text mula kay Kate. "Hey Dana! Open your messenger now. I've sent you a pic." - Kate Evan: Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganoon niya lamang ako tingnan. Kahit hindi niya ipinapahalata ay ramdam na ramdam ko ang mga titig niya. Ano bang problema niya?! She's weird. Para bang may hiwaga sa'kin na hindi ko alam. Inaamin kong sanay akong matingnan dahil sa looks ko, pero hindi sa kung paano siya tumingin. Dana: After kong mabasa 'yon ay nag open na ako ng messenger ko and there I saw the pic Kate has sent. It's lola. She's smiling in that picture as if she has no problem. She's just smiling so free. Nakaramdam ako ng pagkamiss ng makita ko 'yon. Nag reply na rin ako kay Kate. "Thank you." Nakalabas na ako ng elevator at papunta na ng room ko ng maalala kong may documents pa pala akong idadaan sa room ni Sir Evan. Magkasunod lang room namin at mas nauna ang sa kanya. I called him over the phone. "yes?" "Hello Sir. This is Dana." "I know. What is it?" "Uhmmm. You left your documents in the car. I brought them with me and I would like to give it to you now. I'm outside your room Sir." "Alright." After niyang masabi 'yon ay ibinaba niya kaagad ang phone. He's rude. Tch. Ilang segundo lang ay bumukas na ang room niya. Pansin ko ulit ang bagong shower niyang amoy at bihis. Ganoon siya ka bilis nakapag shower? Buti pa siya. Iniabot ko sa kanya ang documents at pagkatapos noon ay kaagad na niya isinara ang pinto without looking at me again. I just sighed as I walked to my room. Dumeretso kaagad ako sa kama at itinapon ang sarili ko sa malambot na presensya nito. "Gosh. I'm tired." It's already 6:00 o'clock in the evening. I'm not hungry yet, so I closed my eyes and after a while I felt myself resting. This is the very little moment of my life I'm thankful for... Sleeping soundly at night. ••• Since, I did not eat dinner before sleeping I woke up and felt my tummy rumbling. Gosh. I checked my phone and it's already 10 pm... Maliban sa oras ay napansin ko rin ang isang missed call mula kay Sir Evan. WHATT????? Nang makita ko 'yon ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig at nahimasmasan. I called him again... He's not answering. I tried calling him for three times pero wala pa ring sumasagot. Ano kaya ang kailangan niya? Why did he call me? Baka Lagot ako nito bukas. HAYSSSS... Bad trip naman oh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD