Mabilis nakarating ang tatlo sa mansion ng mga Henderson. Saglit na namangha si Solstice sa desenyo ng bahay pero nawala rin ito ng bumati sakanila ang mag asawang Henderson. “Good evening mga anak.” bati ni Veronica, ang ina ng dalawang Henderson na kasama ni Solstice. Ngumiti lamang ang ama na si Den sa mga bagong dating. “Good Evening din po, ma pa.” sagot ni Solstice nang maramdaman niyang walang balak sumagot sa dalawa. “Shall we go? This is an intimate dinner just with us, family.” nakangising sambit ni Veronica Henderson, tahimik itong hindi sinangayunan ni Faye. Sumunod sila sa ginang, nakita ni Solstice ang magulang niya lumapit siya para bumati. “Good evening mommy, daddy.” bati ni Solstice sa magulang niya at bumeso sa dalawa, walang naging reaction ang dalawa na siyan