CHAPTER 19

1054 Words

"KUMAIN KA na," ani Elijah habang nakanguso. May suot na itong bra sa loob ng oversized shirt. Nakapajama na rin ito. "Sumabay ka na sa akin." Kahit siya ay nakabihis na rin ng damit pangbahay. Sando at short na terno. Nakaupo na siya sa pwesto niya. Nakita niya kung paano siya tingnan nito. Bakas sa mukha ang inis at tampo. Huminga siya nang malalim. "Huwag ka na magpabebe diyan." Narinig niya na may sinabi ito ngunit hindi malinaw. Napailing na lang siya saka nagsandok ng pagkain sa plato. Tahimik lang siyang kumain habang si Elijah ay panay bulong hanggang sa hindi na siya nakatiis. "Eli, kumain ka nga nang tahimik." "Tahimik naman ako, ah!" anito saka pailalim siyang tiningnan. "Ang sungit mo! May period ka ba?" tanong nito sa kaniya kaya inirapan niya ito. "Wala pa." Humugot siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD