Mia’s POV Kahit labag sa loob ko, sumama pa rin ako kina Celine, Francheska at Sofia sa pagpunta sa lamay ni Marineth. Patay na rin naman si Marineth kaya sumama na ako. Para kahit pa paano, makahingi ako ng tawad sa mga hindi magandang nangyari sa aming dalawa. Pagdating namin sa bahay nila, nakita kong napatingin sa amin ang mama niya. Kilala na niya ako at malamang, nakukuwento ako ni Marineth sa ina niya. Nakita kong tumayo ito mula sa pagkakaupo para lapitan ako. “Did you come here to mock my child who is now dead?” Napanganga na lang ako sa sinabi niya. May pagmamanahan naman pala talaga si Marineth. Hindi ako lapastangan na tao kaya hindi nalang ako sumagot. Ang ginawa ko, iniwan ko na lang sina Celine, Francheska at Sofia. Hindi na ako tumuloy sa loob kasi baka lalo pang gumawa