Giyo’s POV Malamig ang panahon gawa nang malakas ang ulan. Mabuti na lang nung umalis ako sa bahay ay hindi pa masyadong malakas ang ulan. Ang balita, may bagyo raw talaga na parating. Ayoko sanang pumasok kasi natatakot ako na baka liparin ang bahay-kubo ko. Kaya lang ayaw pumayag ni Madam Ofelia na mag-absent ako kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok na lang. Habang nagpipintura ako, nakahubu’t hubad ako kaya halos magtayuan ang balahibo ko sa katawan. Kanina kasi, pagpasok ko dito sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa, pinamili niya ako kung maghuhubad ako habang nagtatrabaho o hindi niya ako tutulungan laban sa pagbibintang sa akin ng pamilya ni Marineth na ako ang pumaslang sa kaniya. Siyempre, bilang kailangan ko ng tulong niya, wala akong nagawa kundi piliin ang tamang sagot. Ka