Mia’s POV Sumunod sa akin si mama pagdating ko sa kuwarto ko. Dala-dala ang tasa ng kape na iniinom niya, bigla niya itong binuhos sa akin. “Ayyyyy!!!” Napasigaw ako sa pag-aakalang mainit pa iyon. Mabuti na lang at hindi kasi malamig na pala talaga ‘yon. “A-ano ho bang problema ninyo, mama?” tanong ko habang basang-basa na ako sa mukha ko ng kape. “Ikaw, anong problema mo? Hindi ba’t grounded ka ng isang buwan? Ano’t lumalabas ka na agad ng bahay, Mia Montalban?” Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko. For the first time, ginawa niya sa akin ito. ‘Yung tipong ang higpit nang pagkakahawak niya sa baba ko. “M-mama, nasasaktan po ako,” pagrereklamo ko na sa kaniya kasi halos lapirutin na niya ang baba ko. “Ang tanong ko ang sagutin mo. Bakit lumalabas ka na ng bahay? Ground