Mia’s POV Pinuntahan ko si Celine sa flower shop niya. Ayoko muna kasing makita at makausap si Giyo kapag nasa bahay siya at nagtatrabaho. Nahihiya kasi ako sa inasta ko nung dapat ay may mangyayari sa amin. Gusto ko na sana siyang suyuin at kausapin nung gabing ‘yon. Sinundan ko pa siya nung pauwi na siya. Pero hindi ko nagustuhan ang nadatnan ko kasi nakaabang sa kaniya si Marineth. Si Marineth na may mga dala-dalang mga pagkain at kung ano-ano. Talagang ganoon siya, kung sino ang gusto ko, kung sino ang trip ko, trip din niya dapat. Gusto niya rin dapat at dapat din ay maaagaw niya. Pero nagulat ako kasi tumanggi si Giyo sa pagtanggap nung mga dala niya. Tapos, hindi niya pinapasok si Marineth sa bahay-kubo niya. Pinaalis niya ito kasi wala siya sa mood. Natuwa nga ako sa ginawa niya