Giyo’s POV Nag-aagaw na ang liwanag at dilim habang naglalakad ako pauwi galing sa trabaho. Kanina pa ako excited umuwi. May kakaibang saya akong nararamdaman sa aking dibdib. Sa wakas, matapos ang ilang taon, makakapag-bonding ulit kami ng best friend kong si Salve. Matagal siyang nagtrabaho sa ibang bansa at ngayon, narito na siya sa Berde Street. Madalas na naman kaming makakapag-bonding. Kaya lang, nahihiya ako kapag nalaman niya ang tungkol sa sideline ko. Gagawin ko ang lahat para hindi niya malaman ‘yon, nakakahiya kasi. Habang naglalakad ako, pinagmamasdan ko ang mga poste ng ilaw na unti-unting nagliliwanag. Ang bawat paglalakad ko ay parang bumabalik sa akin ang mga alaala namin ni Salve noong kabataan—ang pagtambay sa kanto, ang walang katapusang kuwentuhan, at ang paghahab