Giyo’s POV Nang makauwi kami sa bahay ni Salve, naka-ready na ang lamesa sa may terrace ng bahay nila. Inayos pa ‘yon sa amin ng mama niya. Talagang napakainam nilang maging magulang. Sabagay, alam nilang ilang taong naghirap sa pagtatrabaho ang anak nila kaya deserve nga naman nito ang mag-enjoy habang nandito na ulit sa Pilipinas. Nagtulungan kami sa paghahanda ng mga inumin at mga snacks—mga paborito naming ulam na may kasamang malamig na beer. Mayroon ding pork sisig, adobong paa ng manok at tofu, pinaluto talaga ni Salve sa mama niya. “Game ka na ba? At game ka na rin bang makinig sa mga pasabog kong kuwento?” tanong ni Salve habang bumubukas ng beer at inilalagay ang mga bote sa mesa. “O sige, game ako. Kahit ano namang gusto mong ibahagi, makikinig ako,” sagot ko habang nasas