Kinabukasan nagising ako na sobrang panunuyo ng aking lalamunan at uhaw. Sobrang sakit din ng ulo, na parang minartilyo. "Ano ang nangyari kagabi? Paano kami naka uwi ni Milot?" Tanong ko habang hinihilot ang aking sintido. Bumangon ako at kumuha ng tubig sa mini ref. Iniisip ko pa rin kung ano ang nangyari kagabi at kung paano kami naka uwi. Ang huling natatandaan ko lang ay pumunta ako ng cr para umihi, pagkatapos nun ay wala na akong maalala. "Milot, gising." Tinapik ko ang balikat ni Milot para magising ito. Pero naka ilang tapik at yugyug na ako ay nakapikit pa rin ang mata nito. " Ayaw mong magising huh." Bulong ko at kumuha ng isang basong malamig na tubig sa ref. "Tignan natin kung di ka pa magising" nakangising saad ko. Masimple kong binasa ang aking kamay at winisik sa mukh