Sa isang bar kami sa Makati ave. kami pumunta ni Milot. Malapit lang ito sa lugar kung saan kami umuupa ng isang kwarto. "Borbon bar" ang nabasa ko na pangalan ng bar na nakasulat sa labas. Pagpasok namin sa loob agad na sumalubong sa amin ang malakas na tugtog at ingay ng sigawan ng mga tao na nagsasayaw sa gitna ng dance floor. Hindi ito katulad ng bar na napanood ko sa tv, akala ko ay may makikita akong mga babaeng nakahubad na nagsasayaw sa itaas ng entablado, pero wala akong may nakita na ganun kung hindi puro kabataan na nag iinuman at nagsasayaw sa gitna. "MJ, halika doon tayo malapit sa may counter." Saad sa akin ni, Milot, sabay hila sa akin papunta sa may bakanteng mesa malapit sa may counter ng bar. "Anong gusto mong inumin MJ?" Tanong niya sa akin ang nakaupo na kami. "Ano ba