ALTHEA
'Di na naman ako dalawin ng antok.
Dalawang Linggo na akong ganito.
Binabalikang tanaw ko lagi kung saan at paano nag-umpisa ang lahat.
Yakap yakap ang paborito kong unan pinasadahan muli ng aking mga mata ang mga palitan namin ng text masseges ni Kiel ng araw na iyon.
Binabasa ko ito ng paulit ulit at 'di ko maiwasang kiligin ng todo!
Dalawang Linggo na kaming ganito, panay palitan ng text messages. Madalas rin itong tumawag kahit saglit lang.
Feeling ko nga, para na kaming mag jowa e. Kulang na lang 'yong magsabihan kami ng I Love you.
'Yon na lang talaga ang kulang! Wow! So, umaasa ka talaga na darating 'yon? Ang ambisyosang palaka nangangarap ng gising!
Masama bang mangarap? Kahit sa pangarap lang naman. Sige. Mangarap ka pero huwag kang umasa ikaw rin ang masasaktan.
Kastigo na naman ng kontrabidang 'yon sa isang bahagi ng utak ko!
Pero mga simpling text messages pa lang naman ang napagsasaluhan namin.
Tatanungin lang niya kung kumusta ang araw ko? If theres something special on that day.
'Di rin nito nakakalimutan paalalahanan ako na kumain sa tamang oras.
At kapag tumawag siya at marinig ko na ang boses niya 'di ko maiwasang ang ngiti ko hanggang batok talaga!
Ito lang din ang namumukod tanging lalakeng kayang paserkuhin ang puso ko.
Ayaw ko sanang umasa pero may kung ano sa bahagi ng puso ko, ang tila umuusbong.
Wala naman sigurong masama kung umaasa ako kahit kaunti 'di ba?
Noong araw na 'yon na sinundo niya ako from University, sinamahan sa books store at nag dinner together?
'Yon ang araw na pinakamasaya ako! 'Yong tila bigla na lang nagkakulay ang buong paligid ko? Niyaya niya ako sa isang Korean restaurant.
Ewan ko pero parang alam na alam niya ang mga gusto ko. Ang mga paborito ko.
Mahilig kase ako sa korean foods.
May mga pagkakataon din na sinusundo rin niya ako from university.
At tulad dati dadaan kami sa mall at kakain sa isang restaurant. Napag-alaman ko rin na kanila pala yong mall na 'yon. Namangha na lang ako sa nalaman.
Kaya pala parang kilalang kilala siya doon. Ang mga kaibigan ko naman panay tanong at tukso sa'kin kung ano ko ba daw talaga si Kiel.
Usual, wala akong masabi, kahit nga ako 'di ko rin alam kung ano ko ba talaga siya. Ang alam ko lang kaibigan siya ng pinsan ko.
Ang sabi ni Jake para daw itong nanliligaw sa akin sa klase ng kinikilos nito. Malungkot ito ng kausapin ako. May matindi na raw siyang karibal!
Natatawa ako sa kanya! 'Di ko lang masabi ng harapan na kahit wala pa si Kiel wala talaga itong pag-asa!
Kaibigan lang talaga ang turing ko dito. Pero dahil seryoso ang lungkot niya, kaya nanahimik na lang ako. Kalauna'y tanggap na rin niya kasi nakikita raw niya na masaya ako.
Na alam daw niya na gusto ko rin si Kiel. Nakikita daw niya iyon sa mga mata ko.
Humingi ako ng sorry sa kanya, kung nasasaktan ko man siya.
Pero sabi niya ay masaya pa rin siya para sa'kin. Nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga sinabi.
Ganun pa rin naman kami, close pa rin kami! At lalo pang magiging close alam ko, kase mabuti siyang tao, mabuti siyang kaibigan.
At alam kong genuine 'yong love and care niya para sa akin. Sinabi ko rin sa kanya na kahit anong mangyari magkaibigan pa rin kami.
KIEL
"Hoy Vince! Ano ba 'yan hanggang dito ba naman e, dala dala mo dito ang trabaho mo? It's a f*****g sunday dude, for pete sake!" Ang sita ni Uno kay Vince. Lagi kase itong nakatutok sa laptop nito.
We are all at Uno's place. Inuman habang naglalaro si Matthew, Carl, Noah at Uno ng billiard.
Nakaupo lang ako sa stool na naroon. Hanga rin ako sa laki ng unit ni Uno.
Elegante at modernong moderno mula interior design hanggang kagamitan.
May taste din ang gago! Naisip ko.
"s**t! s**t ano bang klasing talents ang mga 'to. Well, may mga magagaling naman pero gusto ko 'yong refreshing, kahit hindi sana bumibirit pero may dating," bulaslas ni Vince.
Nag-organised ito ng free concert para sa bandang "Beats" a young band group na hawak ng recording company nito.
Papausbong pa lang ang grupo, at kailan lang sila nag umpisa pero nakitaan na sila agad ng potensyal ni Vince.
Unti unti na rin silang nakikilala ng publiko sa larangan ng musika. Pagbibigay ng free concert ang isa sa mga naisip ni Vince para bigyan ng malaking exposure ang grupo para lalo itong makilala.
Eco-cover ng media ang concert at ilalabas sa balita. Pagmamay-ari rin kase ng pamilya nito ang isa sa pinakamalaking media network sa bansa.
He opened an audition for young artists para makasamang mag-perform sa nasabing concert.
Dalawang known artists lamang ang guest nito na kakanta lamang din ng tag isang kanta.
Gusto niyang mga young and fresh naman ang ibang lalahok sa free concert.
Naniniwala rin siyang isa itong daan para sa mga young talents na 'di nabibigyan ng pagkakataon makapag-perform sa maraming tao tulad ng concert at mabigyan ng tamang exposure!
"If you want young, fresh, at very talented talaga, I just want to recommend Althea Olivarez." Ang walang gatol na sabi ni Matthew.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"You mean, the cousin of N-noah?" Ang paniniguro ni Vince na napatingin pa kay Noah.
" Yes, she is. She's a very good ang talented singer. Napabilib din niya ako sa husay niyang tumugtog at humawak ng gitara." Makikita sa mukha nito ang kaseryosohan sa sinabi nito.
"Paano mo alam 'yan? She'd never played guitar and sing in front of other people. She's a very shy girl at kami lang na pamilya niya at mga kaibigan niya ang may alam no'n. Dahil hindi 'yon tumutugtog at kumakanta sa harap ng ibang tao lalo na 'di niya kapalagayan ng loob."
Ang mahabang lintanya na may halong pagtataka ni Noah.
"Well, tumugtog na siya ng dalawang beses sa harapan ko. Ibig sabihin kapalagayan na niya ako ng loob? Close kami? "
Ang malokong tawa nito. Patango tango pa ito at abot tainga ang ngisi nito kay Noah.
Ang sarap nitong batohin ng billiard balls!
"Huwag kang masyadong feeling close sa pinsan ko Matthew at tumatayo talaga ang balahibo ko sa'yo!"
May iritasyon sa tono ni Noah. Tumawa lang ito at tumingin naman ito sa akin, tinignan ako ng pailalim ng gago!
Ka-text ko kanina si Thea, ayon dito susunduin niya si Noah. Balak din ng mga gago na kumbinsihin itong kumanta, nag handa pa ang mga gago ng gitara.
In the other hand, Noah was really confident na 'di nila mapapapayag si Thea. Dahil mahiyain nga daw ito at 'di talaga ito tumutugtog sa sarap ng ibang tao lalo na 'pag super crowded tulad ng concert.
Parang wala lang naman iyon kay Matthew, he really insist na kaya niyang kumbinsihin si Thea.
I felt the nervousness on my chest. And very curious and excited at the same time. Kahit pa nginangatngat ang puso ko sa selos sa isiping nasaksihan na lahat ng iyon ni Matthew.
To see him very proud of Thea and for himself I guess. Na parang bang lalo itong nilamon ng kayabangan dahil alam nito ang parting iyon ng buhay ng mahal ko.
Lalo akong ningangat-ngat ng selos at naninibugho!
Huwag na huwag ka lang mag kakagusto sa kanya Matthew! Mapapatay kita! Piping sigaw ng utak ko.
Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan nang marinig na namin ang door bell. Ngumiti ng makahulugan si Matthew.
"She's here," he said with excited tone and winked.