ALTHEA
Huminga ako ng malalim bago pumindot sa door bell botton ng unit na 'yon.
Usual, susundo na naman ako ng lasing. This time, sa isang unit ng isa sa mataas na gusali sa may Ortigas.
Sigurado akong kompleto sila. Ka-text ko lang kanina si Kiel at alam kong andito rin ito.
Inaataki na naman ako ng kaba, 'di pa kase alam ni Kuya Noah ang pagiging malapit naming dalawa ni Kiel.
Pero bakit ba? Wala naman masama dun, kailangan ko pa bang ipaalam?
Malapit din naman ako kay Kuya Matthew at Kuya Carl a? Yeah, ang pagkakaiba lang pure Kuya lang ang turing ko sa dalawa.
Samantalang kay Kiel ay may lihim akong pagtatangi. Nagtataka pa ako kung bakit parang ang aga aga pa 'ata, para papuntahin na ako nito upang sunduin siya.
Mag 8:30 pm pa lang a, ano 'yon lasing na ito agad? Sa ganitong kaaga?
Naputol ang pag iisip ko ng bumukas ang pinto at magiliw akong binati at pinapasok Kuya Uno.
Lihim akong napahanga sa unit niya. Sobrang laki nito at pawang mga moderno mula interior design hanggang sa mga kagamitan.
Super manly yet refreshing ang ambiance.
"Halika, tuloy ka, Thea." Nang maisara ang pinto'y agad na itong nagpatiuna at iginaya ako sa isang pinto.
Malawak ang kuwartong iyon na may billiard table sa gitna. May malaking itong glass wall at tanaw ang buong syudad.
Masarap sigurong tignan mula rito ang city lights. Nagtaka pa ako at medyo nailang nang sabay sabay tumingin sa'kin ang apat at halos sabay sabay din akong binati.
Para bang inaantay nila talaga ang pag dating ko. I felt really something's weird.
Binati ko rin sila ng simple. Kahit kay Kiel nga simpling ngiti lang ang binigay ko sa kanya ayaw ko kasing isipin ng iba, lalo na si kuya Noah na malapit na kami sa isa't isa.
Napansin ko ang ka seryosohan sa mukha ng pinsan ko. Hindi pa naman ito mukhang lasheng pero, bakit iba ang timpla ng mukha nito?
"Hi,Kuya Noah. Akala ko lashing ka na kaya napaaga ang hingi mo ng rescue?"
Ang pabiro kong bati sa kanya.
"Ako ang nagpapunta sa'yo dito ng maaga, sweetheart." Ang maagap at may lambing na turan ni Kuya Matt.
Napatingin ako sa kanya and then, kay Kiel na dumilim ang mukha. Ano na naman ang problema nya? Kanina ka-text ko pa siya at ayos pa kami ah.
Pinaliwanag niya sa'kin ang dahilan kung bakit niya ako pinapunta ng maaga. Akala ko pa naman si Kuya Noah ang nag message sa'kin since phone niya ang gamit.
Nagtataka man ay matiim akong nakinig sa kanya. Ayon dito May free concert na ini-organised si Kuya Vince para sa grupong "Beats."
Narinig ko na ang pangalan ng bandang iyon kila Krisha at Jhen. Super guwapo at galing daw kumanta ng lead singer nito.
Ang guwaguwapo rin daw ang iba pang meyembro nito.
So, hawak pala ito ni kuya Vince. Ayon din dito humahanap sila ng mga young artists para isali sa nasabing concert , to give them a chance and good exposure!
"E, kuya Matt ano naman ang kinalaman ko doon?" Ang may pagtataka ko pang tanong habang naka kunot ng husto ang noo ko.
" I heard that you're a good singer and have potential. Kaya I asked Noah kung puwede ba kitang isali sa concert?"
Agap na sansala ni kuya Vince. Bigla akong napatingin kay kuya Noah, tinitigan ko ito ng matalim.
Napatingin din ito sa'kin.
"Wooohh! Bakit ako tinitignan mo ng ganyan?"
Agad nitong protesta at nakataas pa ang dalawang kamay nito.
"Pahamak ka talaga no!" May halong inis na usig ko sa kanya.
"No sweetheart, it was me, who told Vince," ang muli sabi ni kuya Matt. Pumagitna siya.
"I believe in you, I saw how good you are and your potential," His voice and tone are so genuine and very encouraging.
"Pero Kuya Matt concert 'yon, hindi ko kaya 'yon. At hindi naman ako magaling talaga. Medyo marunong lang ako pero hindi naman ako... H-hindi naman talaga ako m-magaling."
Mahina at nahihiya kong protesta. Marahan akong hinila nito sa isang braso papunta sa isang upuan na medyo malayo sa limang lalake.
"Sweetheart alam kong kaya mo 'yon. Naniniwala ako sa'yo. It does'nt matter kung may magaling pa sa'yo or what. Basta e-enjoy mo lang ang event. Sing from your heart at 'yon naman ang pinaka-importante. Show and share your talent sweety. Napa hanga mo ako, para sa'kin magaling ka. At alam kong kaya mo 'yon, believe in yourself as I believe in you. At alam kong magiging masaya ang mommy at daddy mo pati mga kaibigan mo na naniniwala sa'yo 'pag napasama ka sa concert na 'yon."
Ang pagpapatuloy nito. Kitang kita ko ang pagiging totoo nito sa mga binitawan nitong salita at ang paghanga nito sa'kin na nakaguhit sa kanyang mga mata.
Bigla akong napaisip. Oo nga no, bakit 'di ko e-try, paano kung daan ito sa pangarap ko?
Matagal ko na rin itong pangarap pero hindi ko binibigyan gaano ng halaga dahil nag fofocus talaga ako sa pag-aaral ko.
Gusto kong makatapos muna bago ang lahat. Gusto ko munang makatapos dahil 'yon ang pangarap sa'kin ni mom and dad. 'Yon ang pinayuridad ko.
Pero kung sasali naman ako, isang beses sa isang concert wala naman sigurong masama, at para ko na rin natupad ang pangarap ko nun kahit pa 'di ako sumikat.
Gusto ko rin ma-overcome ang takot ko na mag-perform sa harap ng maraming tao.
Kahit nga ang mga kaibigan ko hanga sila sa boses ko at sa pagtugtog ko ng gitara.
Pero 'di ko lang 'yon pinapansin kase aaminin ko, I am lacked of confidence.
Tsaka malay mo magustuhan at mapahanga mo rin si Kiel?
Baka isa to sa way para magustuhan ka niya at mapansin ka niya, hindi bilang pinsan ni Noah kun'di bilang ikaw, bilang babae.
Bilang dalagang si Althea Olivarez.
Ang pag iingganyo at susol pa ng isa sa bahagi ng utak ko. Tumingin ako sa mga mata ni Kuya Matt. Tinitigan niya rin ako ng may pag-aarok.
" Pero Kuya Matt never pa akong nag-perform sa harap ng maraming tao. Natatakot ako at kinakabahan ako," ang amin at naaalangan ko pang sabi.
"Noon, kapag may pag-aalinlangan ako sa sarili ko, lagi ko lang iniisip ang mga taong naniniwala sa'kin. Sa harap ng marami, sila lang ang tinitignan ko. Sila lang ang nakikita ko sa isip ko.Doon ko lang pinu-focus ang buong atensyon ko. And it was quite effective, I could do and perform without any nervousness, without sweat."
Nangingiti pa ito na tila ba may inalala ito mula sa kanyang nakaraan. He's really encouraging , ewan ko pero natanggal ng bahagya ang kaba ko.
Parang nagkalakas din ako ng loob. Tinitigan nya ako ulit.
"Kaya mo 'yon sweetheart. I know you can do it too." Sabi pa nito sa akin. Napangiti na rin ako at tumango ng marahan sa kanya.
Hinawakan niya ang kamay ko at ginaya kay Vince.
"Tell me when you're ready," bulong pa nito sa'kin. Tinanguhan nito si Uno at inabot naman ni Uno ang isang gitara.
Ayaw kong atakihin ng kaba kaya iniwasan kong mapadako ang aking paningin kay Kiel.
Pinaghila ako ng isang upuan ni Kuya Matt. Iniabot nito sa'kin ang gitara. Pumuwesto rin ito ng upo sa harapan ko.
Ang sabi pa niya sa'kin, ay sa kanya lang ako titingin kung hindi ako komportable sa mga nasa paligid ko.
Isipin ko raw na siya lang taong naroroon tulad noong una akong tumugtog para sa kanya.
Sinunod ko ang payo niya, siya lang ang tinitignan ko at kung babaling man ako ng tingin kay Kuya Noah ako tumitingin.
Sa harap nakaupo si Kuya Matt katabi nito si kuya Noah na nasa right side, nasa left side naman nito si Kuya Vince na nakatayo.
Si Kuya Uno, Carl, at Kiel alam ko nasa paligid lang din sila nakikinig pero ayaw ko silang tignan ayaw kong atakihin ako bigla ng kaba.
Huminga ako ng malalim... Inayos ko ang upo ko. Pinuwesto ang gitara sa sa'king kandungan.
Bahagya ko pang tinimpla ang string nito. Napalunok pa 'ko at huminga ulit ng malalim bago nag umpisa.
I smoothly started to strum and play the guitar chords.
At ilang sandali pay sumasaliw na ang aking malamyos na tinig sa tugtog ng gitara.
Nakatingin lamang ako kay Kuya Matt pero ang isip ko at ang inaawit ko ay para lamang sa isang taong laman ng isip at puso ko, si Kiel. Inalay ko sa kanya ang kantang yon...
Why can't it be By: Nina
You came along unexpectedly
I was doing fine in my little world
Oh, baby please don't get me wrong
'Cause I'm not complaining
But you see, you got my mind spinning
Ramdam ko ang katahimikan ng lahat...
Pero hindi nakaligtas sa'kin ang bahagyang pagsinghap ni Kuya Vince.
Napadako sa kanya ang aking mga mata, I was also a bit worried with his gaspe.
Pero kitang kita ko ang kayang 'di matatawarang paghanga. Pinikit ko ang aking mga mata lalo kong dinama ang bawat lyrics ng kanta.
Why can't it be
Why can't it be the two of us
Why can't we be lovers
Only friends
You came along
At the wrong place, at the wrong time
Or was it me
Baby I dream of you every minute
You're in my dreams
And you're always in it
That's the only place I know
Where you could be mine
And I'm yours (Baby I'm yours)
Only till I wake up...