"S-Sir Jarvis!" ani Elise na mukhang biglang umaliwalas ang mukha.
Who wouldn't? Side profile pa lamang, ulam na. He had this perfectly pointed nose and a sharp chiseled jawline. Yung tipong kapag sinubukan mong hawakan ay maaari kang masugatan.
But then again, she's screwed. Narinig ba nito ang sinabi niya kanina?
"Ah sir, kasi po—"
"Hindi na-serve 'yung cheesecake na in-order ko so I demanded to speak with the owner," confident na saad ni Ayra sabay tapon sa kanya ng tingin. "But as always, may sawsawera. Wala naman kasing problema pinalalaki lang nitong business partner mo."
Nakita niya kung paano tumaas ang isang kilay nito bago bumaling sa kanya. Then ngumiti ito.
Damn. He looks like a freakin' Greek God! At may bonus pang dimples. Pesteng dimples dahil hindi siya makapagsalita. Nakaka-distract!
"Ah, yes. She is," sagot nito na ikinagulat niya. Was he riding in on her bluff? "But that's not important right now. You said your order wasn't served?"
"O-Oo!" giit pa rin ng mahaderang si Ayra. "Hindi na-serve yung strawberry cheesecake namin!"
"I see," nakangiti nitong sambit. "We'll give you a fresh slice then."
That made her scoff. So ga'non na lang 'yon? Hahayaan na lang nitong i-scam siya ng malditang 'yon at alipustahin si Elise?
"But we need to verify from the CCTV footage of this cafe whether Elise here served you the cake slice or not," kalmadong paliwanag nito. "Sounds just about fair, am I right?"
Ang ngiting kanina'y unti-unting namumuo sa mukha ni Ayra ay biglang nawala. Sa halip ay bigla itong namula. Hindi niya napigilang mapangisi.
Ha! Ano ka ngayon, Ayra?
"So, should I go ahead and check?"
Isang matinis na sigaw ang pinakawalan nito--na ikinagulat ng lahat sa loob ng establishimiento, bago padabog na umalis. Kasunod nito ang mga alipores na hindi malaman ang gagawin kaya't hinabol na lamang mula sa dating kinauupuan ang naiwang gamit ng kanilang 'leader'.
"Okay ka lang ba, Elise? You look a bit shaken," ani bigla ng lalaki nang tuluyang mawala sa paningin ang mga salot. She knows this isn't the right time pero, napaka sarap pakinggang ng boses nito. Medyo husky making everything he say sound sexy.
Shit. That sounds so inappropriate.
"Okay lang po ako sir," sagot naman agad ng babae sabay baling sa kanya. "Pero kung hindi po ako tinulungan ni ma'am Naia kanina, baka po kinain na ako ng buhay nung mga babae."
She gasped the moment that Jarvis guy's eyes locked with hers. Napakalalim ng mga mata nito. His warm brown orbs spoke multitudes that somewhat started to hypnotize her. Delikado.
"Um, Naia?" anito making her snap out of her trance. Muli, ngumiti nanaman ito. "Thank you for helping out my employee."
"Uh... I... uh... walang problema!" sagot niya. Lihim na pinagalitan niya ang sarili "Kaibigan ko na rin si Elise kaya hindi ko gugustuhin na may gumanon sa kanya."
"Kahit na. I'll make you something as a thank you—"
"Cheesecake, sir!" Ani agad ni Elise. "'Yun po ang favorite order ni miss Naia. Yung blueberry cheesecake po!"
Aba ang bruha. Mukhang may balak atang ireto sa kanya ang boss.
Not that she didn't like the idea but, she has no time to date. School ang number one priority niya and then after she graduates, the company. Hindi niya kayang isiksik ang boyfriend sa kanyang schedule.
Magte-thank you lang, boyfriend na kaagad? Expectorant ka, Danaia? Feelingera!
"Blueberry cheesecake it is then," nakangiting sambit nito. "I'll just need a few minutes and it'll be all done. Dadalhin ko na lang sa upuan mo."
Hindi na siya nakatanggi kaya't napangiti na lamang din siya dito. Isa pa, how can she say 'no' to her favorite? Traydor din naman kasi itong si Elise.
Sumunod sa kanya si Elise pabalik sa kanya kinauupuan kanina. Abot-tenga ang ngiti nito't mukhang may binabalak.
"Ma'am Naia," anito sabay upo sa harapan niya. "Mukhang crush ka po ni sir!"
"Agad-agad?" Di makapaniwa niyang saad. "Magte-thank you lang daw kasi tinulungan kita. Ang assuming mo."
Humagikhik ito. "Naku mam. Sa tagal kong pagpa-part time dito sa café ni Sir Jarvis, never po 'yan nagoffer ng pagkain sa kahit kanino. Kahit nga po yung kapatid niyan hindi niya nililibre eh."
"Thank you nga kasi 'yon," giit niya sa babae. Mahirap na baka mag-assume din kasi siya. Kiligin pa siya. Hindi pwede. Marupok siya. "Wag ka ngang issue diyan. Nakakahiya sa boss mo."
"Pero mam Naia, bagay kayo ni sir Jarvis," pagpupumilit nito. "Tinitingnan ko po kayong dalawa na magkatabi kanina, jusko! Super bagay! Pogi saka maganda. Sana all!"
"Baliw ka talaga, Elise." Iyon na lamang ang nasabi niya dahil nararamdaman niya ang paginit ng kanyang tenga. Pasimple niyang itinago ang mga pisngi dahil baka pati ang mga 'yon eh namumula na.
The guy had a weird effect on her. Oo, gwapo ito. Pero there was something in his eyes that started to draw her in. Para bang ang lalim lalim ng mga iyon at ang daming laman. Ewan niya ba pero that Jarvis guy wasn't just attractive. May something eh. Para bang matagal na niyang kilala ito kahit ngayon niya pa lang sila nagkita.
Naputol ang pagkwe-kwentuhan nila ni Elise nang biglang may bagong pumasok sa establishimiento. Nagpaalam sa kanya ang babae bago dinulog ang pangailangan ng customer.
Napatingin siyang muli sa labas. She watched at how people walked pass the building and towards it. Umiinom rin siya ng kanyang kape from time to time.
"Penny for your thoughts?" pukaw sa kanya ng pamilyar na tinig. Medyo nagulat siya ngunit agad namang nakabawi. Kabute ba 'to at bigla bigla na lang sumusulpot?
"Mr...." aniya sabay ngiti ng alanganin. Nasabi ba ni Elise kung ano ang apelyido ng boss nito kanina? Hindi niya na kasi maalala.
"Jarvis na lang," sagot nito sabay lapag ng tray sa kanyang mesa.
"Okay, Mr. Jarvis," ganti niya na ikinatawa nito.
He sat across her and leaned on the backrest of the custom chair. Hindi lang ito gwapo. Mukha pa itong malinis at mabango. Parang ang sarap singhot-singhutin.
"Clever girl," saad nito. "And you're Miss Naia. Judging from how Elise talked, it seems like you're a regular customer here?"
"Frequent visitor ni Yoon, actually," pagtatama niya as she took a sip from her Iced Americano—without breaking eye contact of course.
Okay, so wala siyang time magkaron ng boyfriend. But harmless flirting wouldn't take much of her time, right? And besides, nasa harapan mo na, palalampasin mo pa ba?
"So, you're friends with Eunice?" tanong nito.
"She's one of my best friends, actually," sagot naman niya. She leaned closer as her hand reached for the cheesecake slice. "So I hope for your sake that you're treating her right."
Natawa naman ito sa kanyang tinuran. He had the most masculine laugh she has ever heard. This Jarvis guy checks all the boxes of her ideal guy and she's not even mad about it.
"Of course, Miss Naia," sagot nito in an equally masculine voice. Nakakatunaw na parang ewan. "I see to it na lahat ng empleyado ko ay naaalagaan ng mabuti."
"Then is it safe to assume na magaling ka mag-alaga?" she amped up her flirting. Go big or go home.
At mukha namang marunong makiramdam itong si Jarvis. He too leaned in a bit and used his thumb to brush off some cream on the edge of her mouth.
"I don't know, Miss Naia," anito with that heart-pounding smile again. Lubog na lubog pa ang dimples nito. "I suggest that you try it para makasiguro ka."
Napangiti siya. This guy. This guy really.
"As much as I'd want to," aniya sabay tingin sa labas ng bintana, "I'm not really cut out on being a coffee barista. Medyo clumsy ako kaya kalahati ng sasahurin ko dito eh baka mauwi sa pagbabayad ng mga nabasag ko."
Muli siyang tumingin dito—now straight into those deep set of eyes.
Mukhang the guy was caught off-guard sa kanyang sinabi. But flirting 101 states that a girl must not come too easy. Dapat may element of push and pull. Para kunwari, she's a challenge.
Akala ko ba landian lang? Bakit parang pang-jowaan na ang labanan natin?
"I can live with a few damaged plates if that means I get to see you every day," ganti nito.
Aba aba aba! Lumalaban si kuya!
Nangalumbaba pa ito't nakipaglabanan sa titigan. Dumantay pa sa mga labi nito ang isang nakakalokong ngisi.
Holy s**t! Marupok pa man din ako.
Hindi niya alam kung paano pa ba magrereact sa sinabi nito. So, she just shifted her leg and cleared her throat.
"So, why a café?" Pagbabago niya sa topic. "Of all the possible business ventures, bakit isang café na malaip sa university ang pinaginteresan mo?"
"To lure innocent girls into a conversation like this," diretsong sagot nito sabay lean back. Ngumisi pa ito nang mapamaang siya. "But if you want the wholesome answer, I'm just your regular neighborhood coffee guy."
"That's downright creepy," aniya sabay tawa. "Pasalamat ka, gwapo ka. If not, you'd sound like some kind of stalker."
"I do my best to hide my true motives," sakay pa nito sabay kindat.
Hindi na niya namalayan ang mabilis na paglipas ng oras dahil sa kanilang paguusap. Jarvis was the type of guy who's really easy to talk with. At hindi rin boring ang mga kwento niyo. Most guys tend to bore her after the first five minutes of talking.
"Oh crap," aniya sabay tingin sa wrist watch niya. "I need to go home na pala."
Maging ito ay napatingin sa sariling relo.
"Oh right. May dala ka bang kotse or is someone going to pick you up?"
"Yup. I'll just text my ride to fetch me here," aniya sabay tipa sa aparato.
"Boyfriend?"
Napahinto siya't napatingin dito. Hindi niya mapigilang mapangiti.
"Is that your way to find out if I have a boyfriend?" she teased. He adorably scratched his nape as answered with a nod.
"Was that too obvious?"
"Slight?" Natawa siya sa kung paano ito nag-shift mula sa pagiging brooding and mature into cute and adorable. Hindi rin nakakatulong ang malalim nitong dimples sa pagpipigil niyang sunggaban ito. "Don't worry. I don't have a boyfriend. Magpapasundo lang ako sa pinsan ko. She's like my personal uber."
"If that's the case, let me be your personal uber for the night. Free of charge," offer nito.
Who in their right mind can say 'no' to that smile? At hindi na rin naman siya magpapabebe. As much as she loved Uno to bits, hindi kaya ng puso niya ang pagda-drive nito. Kung bakit ba naman kasi nahilig ito sa drag racing.
"Sure," tanggap niya dito. "For once I'd really want to go home in one piece."
The night went by like a blur. Natagpuan niya na lamang ang sariling tumatakbo mula sa elevator ng tinitirhang condominium building papunta sa front entrance. Doon ay nakita niya ang nakaabang na kotse ng pinsan.
"Woah. Mukhang ang sarap ng tulog mo kagabi ah," pangaasar ni Uno sa kanya pagkapasok na pagkapasok pa lang niha sa kotse. Uno was wearing an over-sized hoodie and her hair was tied in a messy bun. In short, mukhang bagong gising lang din ito tulad niya.
But the only difference was, siya eh may pasok ito wala.
"Please lang, Isadora. Tantanan mo 'ko ng pangaasar mo kahit ngayon lang," asik niya na ikinatawa ng babae. "Wala ako sa mood."
"Aww. Why not? Minsan lang ako magkakaron ng ganitong chance," panguuya pa nito. "Miss Perfect Danaia Martienne Uychengco—late for the first time in forever. Nadiligan ka 'no?"
"Alam mo, Isadora. Kung alam ko lang na mas lalo akong malelate nang dahil sa'yo, si Third na lang tinawagan ko," naiinis niyang sambit. "Ngayon mo patunayan sa'kin 'yang pinagmamalaki mong pagda-drag race."
"What's in it for me?" Nakangising sambit nito. "What? Wala nang libre sa mundong 'to, 'no. Dapat may makukuha ako from this since wala naman ako dapat pasok pero andito ako't ipagda-drive ka."
Napabuga siya ng hangin sabay padyak ng paa.
"I should've taken that f*****g driver's license test when I had the f*****g chance."
"Ay hala. Napaka-pasmado ng bibig ni Miss Naia," tumatawang saad nito. "So, ano na? Quarter to eight na 'o. Time is running—"
"Fine!" bulalas niya sabay labas ng wallet at abot ng kanyang credit card sa babae. Alam na alam na niya ang gusto nito. "Sa susunod talaga si Third na ang tatawagan ko."
"Always a pleasure doing business with you, ate," anito sabay hablot ng card. "Five minutes and you'll be in school."
"What?! Five minu—"
Napasigaw siya nang bigla nitong pinaharurot ang sasakyan—possibly violating speed limits as we speak. But she didn't really care. Bahala na si Uno 'don. Ang importante ay makarating siya nang tamang oras kundi patay nanaman siya kay Miss Rivera and her prejudice against pretty girls.
"Uno! Ano ba! Gusto ko pa mabuhay!"
"Relax, Naia. We're not even over sixty yet. Diba gusto mo makaabot sa first subject mo?"
"Oo but I'd like to survive and attend my class in one piece!"
Tila walang narinig ang babae't pinaharurot pa rin ang sasakyan patungo sa kanilang destinasyon. And just like what she said, nakarating sila sa campus gate with a minute to spare.
"Good luck sa klase mo with the monster. Ciao!"
When she arrived in class, agad niyang chineck ang harapan. Wala doon ang terror teacher nila. Chineck niya din sa may likuran but the professor was nowhere in sight.
"Where's Miss Rivera?" tanong niya sa kaibigang si Solyn—Synn for short. Isa itong creative writing student na nakapalagayan niya ng loob at the start of the sem.
"Wala daw. Nagbakasyon daw sa Amerika," sagot nito while eyeing her from head to toe. "What up with you? Why do you look like you just rolled out of bed?"
"May ASG pa, bakla. I can see it from here," bulong naman ni Arika—isang Engineering major na naging kaibigan na rin niya. "Who is it? Dapat pogi 'yan."
"Dapat lang," segunda ni Synn. "She's Danaia Uychengco. Kung magkakaboyfriend 'to, either isang Puntavega o Conde. Only the best of UDSA's It-Girl."
"Taken na ang mga Puntavega. Balita ko nga may napupusuan na daw yung Nico Conde. Kalat na kalat sa social media 'yung white shirt girl," ani naman ni Arika. "Though that Primo guy is super hot. I'd tap that."
Puntavega? Conde? Ano nanaman ang pinagsasasabi ng mga 'to?
"Hindi nanaman ba kayo nakapagbreakfast na dalawa ha? Kung ano-ano nanaman pinagsasabi niyo diyan," asik niya sabay irap sa dalawa. "And what the heck is ASG?"
"After s*x Glow," diretsahang sagot ni Arika na ikinaeskandalo ni Synn. "Sarap ba, madam? Namumula-mula pa fez mo 'oh."
"Ikaw Arika ha. Wala nanamang preno 'yang bibig mo," pagalit ng babae sa kaibigan. "But seriously though. You do reek s*x. The question is, with whom?"
"Huh? Ewan ko sainyong dalawa," she said rolling her eyes.
There was no way she's telling anyone about what happened that night. She's not one to kiss and tell. Kahit pa sobrang na-enjoy niya iyon. She can't help but smile.
"Ay naloka na! Tumatawa na nang mag-isa!"
She ignored what Arika said and tried to change the subject.
"Since wala si Miss Rivera, free period na ba tayo ngayon?" tanong niya dito. Agad namang tumango ang babae—a bit more enthusiastically than the usual.
"Yes!" excited nitong sagot. "May sub tayo. 'Yung bagong professor ng Ethics class. Super gwapo daw at matalino. A rare combination sa panahon ngayon."
"Baka fake news 'yan," kontra naman agad ni Synn. "Baka hindi naman ka-level ng mga Puntavega at Conde 'yan."
"Aba malay 'ko ba. Basta ang sabi sa'kin ng friend ko, gwapo. And knowing her standards, sure akong yummy itong new sub natin."
Napailing na lamang siya sa pagtatalo ng dalawang kaibigan. Maya-maya pa'y napatingin siya sa wall clock sa harapan. It's already been fifteen minutes pero wala pa rin ang sub-professor nila. Muli ay napabaling siya sa dalawa.
"Arika, are you sure—"
"Good morning, class. Sorry I'm late. Medyo napuyat lang."
Everyone was surprised to see the new substitute teacher. Not only was it because he was good looking pero, he was young. Everyone thought he was someone in his late thirties.
Pero walang makakapantay sa pagkakagulat niya sa pagpasok ng pamilyar na lalaki papasok ng kanilang silid.
"Shit.”