Heira's POV "Goodevening Hippo." "T-teka! A-anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na." Sa halip na sagutin ako ni John Ace. Itinulak niya ng bahagya ang pintuan namin upang makapasok siya sa loob ng bahay namin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa sofa namin na yari sa Kahoy. "Dito muna ako matutulog. Pengeng unan at kumot."ani John Ace. Nakapameywang ako ng lumapit ako sa kanya. "Abah! Abah! Makapag utos ka akala mo Bahay mo ito ha! Umuwi ka nga sa bahay nyo. alas Onse na ng gabi." "Wala kang kasama dito sa bahay nyo. Kaya sasamahan kita dito." Nakatingin siya sakin. "Sinong nag sabing Wala akong kasama dito? Nandito sila Nanay at Hairu." Alibay ko. Ang totoo kasi wala talaga akong kasama sa bahay namin. pumunta kasi si Nanay at Hairu sa Mindoro upang umattend ng