AN: Ang nilalaman rito 'ay parte lamang ng aking magulong utak. ? kriminal kasi ako dati kaya ganito ang mga hilig ko. JK?? anyway salamat sa inyong walang sawang suporta.
------------------------------------------------------------------------------
Boss Ahraw
Mabilis ang paandar ko sa kotse para akong nakikipag-karera. Pansin ko na tahimik lang itong katabi ko habang mahigpit na nakakapit sa seat belt.
Pagkarating namin sa pupuntahan mabilis na dinala ko sa parking lot itong kotse. Lumabas ako at pabalibag na sinara ko ang pinto, nauna akong naglakad at nakita ko naman si Gary nakatambay sa labas nang entrance ng bar.
"Boss, nandiyan na sila Mr. Tan sa loob." bungad kaagad sa akin nito.
Tumango naman ako 'kay Gary, napansin ko sa gilid nang mata ko na na sa likuran ko na si Jessy.
"Jessy, tara na sa loob."
Narinig ko pa na aya ni Gary 'kay Jessy. Tuluyan na ako'ng pumasok sa loob, nakita ko kaagad ang nakangiting si Mr. Tan nang makita ako. Tumayo ito sa kinauupuan niya at kinamayan ako nang makalapit na ako.
"Mr. Smith, masaya ako na nagkita tayong muli." bati nito.
Naupo na ako dito sa pinaka-gitna ng sopa, niluwagan ko naman ang suot ko na kurbata at tinanggal ko ang ilang butones ng amerikana ko. Dumukot ako nang sigarilyo sa bulsa ng pantalon at sinindihan ito.
"Nasaan na ang items?" panimulang tanong ko 'kay Mr. Tan, ngumiti naman ito at sinenyasan ang mga tauhan nito na nakatayo sa likuran niya habang nasa likod ko naman si Gary at Jessy.
Mayamaya'y may naglalakad papunta sa aming apat na lalaki, dala-dala ang apat na bag. Inilapag lahat nila ito sa lamesa at isa-isang binuksan sa harapan ko. Lumantad sa mata ko ang mga nakabalot ng plastik, laman nito ay shabu at cocaine. Tiningnan ko ito ng mabuti at dinampot ko ang isang supot inamoy ko ito matapos no'n binalik ko na sa lagayan.
Nakangisi naman sa akin si, Mr. Tan. Tiningnan ko lang siya nang seryoso.
"Ano, Mr. Smith. Ayos ba ang dala ko?" nakangisi na tanong nito sa akin.
"Ayos na, Gary ipakuha mo na 'to." utos ko 'kay Gary at inayos ko ang nalukot na amerikana ko at muling tumayo sa kinauupuan.
Nagpasukan naman ang mga tauhan ko na kasama ni Gary na pumunta dito kanina. Isa-isang dinampot nang mga tauhan ko ang mga bag at dinala sa labas. Nagsimula naman na akong maglakad at iniwan si Mr. Tan.
"Sandali, Mr. Smith. Nasaan na ang kabayaran?" nagtataka na tanong ni Mr. Tan.
Napahinto naman ako sa paglakad at ipanasok ko ang kanan na kamay ko sa bulsa, hindi ako humarap sa kanya nakiramdam lang ako.
"Kabayaran ba? Wala ako'ng ibibigay sa'yo." seryoso na sagot ko at pinaling ko ang ulo sa gilid. Napansin ko na kumuyom ang kamao niya sa gilid ng mata ko.
"Hindi ka makaalis dito, Mr. Smith!
Hangga't hindi mo ako binabayaran!" matigas at pigil ang boses na aniya.
Napansin ko naman si Jessy na titig na titig sa akin, kahit hindi siya magsalita nakikita sa mga mata niya na puno ng katanungan. Sa kung ano ang nangyayari ngayon, humakbang na ako at hindi ko pinansin ang sinabi ni Mr. Tan.
"Tara na," hinawakan ko si Jessy sa braso. "Huwag na huwag kang lilingon." salita ko pa, tiningnan niya naman ako na nagtataka.
"PUTANGINA! MR.SMITH!"
Sigaw ni Mr. Tan kaya naalarma ako dahil narinig ko ang pagkasa ng baril mula sa likod.
"Takbo! Puntahan mo si Gary!" sigaw ko 'kay Jessy na biglang nataranta at tumakbo siya palabas ng bar.
Mabilis naman ako'ng nagtago sa gilid nang pader, dinukot ko sa tagiliran ko ang dalawang baril na dala ko. Sabay na kinasa ko ito, sinilip ko sila sa gilid ng pader at nakita ko na papunta ngayon sa pwesto ko si Mr. Tan pati ang mga tauhan niya.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at inangat ko ang dalawang baril sa kanila, dito ko sila sunod-sunod na pinaputukan habang umaatras ako palabas ng pinto. Mabilis na tumakbo ako sa palabas ng pintuan matapos ko sila paulanan ng bala. Pinuntahan ko agad ang kotse ko at nagulat pa ako nang makita ko na nandoon si Jessy sa loob nang kotse.
"Bakit nandito ka pa!?" singhal ko sa kanya ng makapasok na ako sa loob at pinapaandar ko ito.
Nakita ko naman sa side mirror ko na nagsakayan sa kanya-kanyang mga sasakyan ang mga tauhan ni Mr. Tan.
"Bakit kasi hindi mo binigay ang kabayaran nila? Sana hindi na humantong sa ganito." sagot naman nito.
Kunot noo ko siyang tiningnan bago nagsalita. "Tama lang 'yon sa kanya, marami ng atraso sa akin 'yung gagong matand--" sagot ko ngunit naputol dahil sa biglang may nagpaputok sa likuran ng kotse ko.
"Yumuko ka!" malakas na bigkas ko sa kay Jessy at inilabas ko ang kaliwang kamay ko sa bintana at pinaputukan sila sa labas.
Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo sa kotse para hindi nila kami abutan.
"May tumatawag,"
Napalingon naman ako sa kaniya dahik sa pag-agaw nito ng atensyon ko sa humahabol sa amin.
Dito ko lang napansin na tumutunog na pala ang cellphone ko, dinukot ko agad ito sa bulsa ng pantalon ko.
"Boss! Nandito na kami sa likod, kami na ang bahala sa kanila." sagot ni Gary sa kabilang linya.
Sinilip ko naman sa side mirror at nakita ko nga ang dalawang kotse at isa doon ang 'kay Gary, kasama ang ilang tauhan ko.
Pinatay ko na ang cellphone ng biglang itong tumunog ulit ito napakunot ang noo ko sa tumatawag ngayon. Sinagot ko ito at naghihintay na maunang magsalita ang na sa kabilang linya.
"Kamusta na bata?" maya'y sagot sa kabilang linya.
Natahimik muna ako bago ako magsalita, pansin ko na nakatingin sa akin si Jessy. Iniwas ko ang mata ko at tinuun ko sa daan.
"Ayos lang boss." seryoso na sagot ko sa kanya.
"Ganun ba? Mabuti kung gano'n, maaari ka bang sumaglit rito?" Muling salita nito.
Nagtaka naman ako dahil sa biglaan na pagtawag sa akin nito, ano naman kaya ang kailangan niya sa akin? Okupado ng isipan ko ang sinabi ni Mr. BlackMoon matapos ko siyang makausap.
"May problema ba?" napalingon naman ako sa biglang pagtatanong ni Jessy.
"Wala naman ihahatid na kita." sagot ko lang. Tahimik na binabagtas ko na ang pabalik sa pribadong lugar na pinaglalagyan ko sa mga fighters ko.
Mabilis na nakarating kami dahil wala naman gaanong traffic pa dahil maaga pa.
"Labas na." untag ko sa malayong tinatakbo nang isip ni Jessy. Dahil pansin ko ang malalim na pag-iisip niya, nagulat pa siya sa akin bago tumango.
Nakita ko pa na nakatayo pa rin si Jessy at pinagmamasdan ako hanggang sa makalabas na ulit ako ng gate.
Hindi na nagtagal nakarating ako sa opisina ni Mr. BlackMoon. Ang pinaka-boss ko talaga na nag-alaga at umampon sa akin.
Pagpasok ko pa lang sa entrance ng gate binati na agad ako ng mga guard. Diniretso ko agad sa parking area itong kotse ko, malalaki ang hakbang na pumasok ako sa glass door. Pumasok ako sa elevator at pinindot ko ang 14th floor dahil 'yun ang pinaka-opisina niya.
"Boss Ahraw kayo pala," bati agad sa akin nang receptionist na nandito sa labas ng opisina.
Diretso lang ako'ng pumasok sa loob at hindi ako nag-abala pa na sagutin 'yung babae. Nakita ko agad ang nakatalikod na lalaki na tulad ko suot nito 'ay amerikana na itim.
"Nariyan ka na pala," bungad na salita nito sa akin. "Balita ko may bago kang alaga." pagpapatuloy nito.
Tahimik na nakikinig lang ako at hindi mo na nagsalita.
"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Kaswal na tanong ko lang sa kanya dahil may lakad pa ako.
"Siguraduhin mo lang na hindi siya magiging hadlang sa lahat ng mga gawain natin, lalo na sa'yo." makahulugan na aniya.
"Walang problema." sagot ko lang.
"Tandaan mo ang ipinangako mo sa akin, sampung taon simula ngayon." muling salita nito.
Natahimik naman ako sa biglang pagpapaalala nito sa nakaraan ko noon bago ako napasok sa ganitong buhay.
"Hindi mo na kailangan pang ulitin 'yan, hindi ako nakakalimot." seryoso na sagot ko.
"Mabuti kung ganun, pero binabalaan kita. Kapag 'yang bagong babae na 'yan ang sisira sa lahat ng mga pinaghihirapan ko... Hindi ako magdadalawang isip na kunin ang buhay niya, lalo na ang buhay mo." salita nito sa seryosong tono.
Natigilan naman at napaisip bigla sa sabihin ko.
"Pinagbabantaan niyo ba ako?" iritado na litanya ko.
"Hindi naman sa gano'n Rowin, pero pinaaalala ko lang sa'yo." nakangiting wika nito ng banggitin ang totoong pangalan ko at humarap siya sa akin.
"Kung wala ka ng sasabihin aalis na ako." salita ako at tumalikod na ako para lumabas nang pinto.
"Tandaan mo, marami ako'ng mata sa labas kaya mag-iingat ka sa lahat ng kilos at galaw mo." salitang muli nito.
Hindi na ako nag-abala pang sumagot. Lumabas na ako ng pinto, diretso sa parking area. Habang na sa biyahe ako papunta sa opisina ko malalim na napaisip ako at meron isang bahagi ng nakaraan ko ang bigla kong naalala.
"Boss! Parang awa niyo na! Tulungan niyo ang nanay ko malubha ang kanyang karamdaman." nagmamakaawa ko dito sa lalaking nakatalikod sa akin.
"Walang problema bata, basta ba susunod ka sa lahat ng gusto ko. Akin ang buhay mo, at akin ang buong pagkatao mo. Ako lang ang magdi-disesyon kung mabubuhay ka o mamapatay ka." sagot nito sa akin.
"Makakaasa kayo, gagawin ko ang lahat kapalit ng pagpapagamot sa Nanay ko," matapang na sagot ko at tinanggap ang kanyang alok.
Napahinto ako sa gilid ng kalsada ng maalala ang nakaraan ko, noong sampung taon palamang ako. Sumagi sa isip ko ang pagkawala ng nanay ko dahil sa mga tosong tauhan ni, Mr. Blackmoon.
+++++++++++
?Black_Moon301