CHAPTER 7

1815 Words
AN: Maraming salamat po sa mga matiyagang naghihintay sa storya na 'to. Dahil sa inyo lang po ako nagkakaroon ng sigla upang magpatuloy.. ------------------------------------------------------------------------------ JESSY P.O.V Nandito na ako sa loob ng kuwarto pero hindi parin ako dalawin ng antok. Dahil sa mga nangyari kanina, hindi lang pala paglalaban ng mga babae ang kanyang ginagawa. Pati rin pala ang mga droga meron rin silang connection at sa tingin ko marami pa. Bigla ako'ng napabalikwas ng bangon nang may marinig ako na tumutunog sa kung saan. Parang isang tunog ng may tumatawag nahagip ng mata ko itong plastik na mamahalin sa ibabaw ng table dito sa tabi ng higaan ko. Mabilis na kinuha ko ito at binuksan, nagtataka naman ako dahil hindi ko pa ito ginagalaw simula ng ibigay ito sa akin ang mga gadgets na 'to. Nakita ko sa screen ng cellphone nakalagay sa caller boss. Ini-slide ko ang screen para sagutin. "Ano ang ginagawa mo? Bakit ang tagal mo sagutin?" salita agad sa kabilang linya na halata ang pagka-inis. Hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot dahil sa nagulat ako at hindi ko inaasahan na makakausap ko ngayon si boss. "Nandiyab ka ba?" muling salita nito na may halong galit na. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "O-oo, narinig kita." mahinang sagot ko. Narinig ko naman ang malalim paghugot niya ng hininga. "Bukas, ikaw na ang lalaban." seryoso na wika nito sa kabilang linya. Napaawang naman ang labi ko sa narinig ko, hindi sa natakot ako pero pakiramdam ko hindi pa ako handa. Ilang minuto rin bago ko pinasyang sumagot. "S-sige." sagot ko lang. Ilang minuto ang pananahimik namin sa bawat isa, nang marinig ko na huminga si boss nang ilang ulit. "Huwag kang magpapatalo." salita muli nito sa mahinang tono. Iba ang naramdaman ko nang sabihin niya 'yon sa akin. Kahit wala na siya sa kabilang linya hindi ko pa rin binibitiwan ang cellphone dito sa tenga ko. Dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya na hihilingin niya na huwag ako matalo, baka dahil sa pera na ipupusta niya. --------- Kinabukasan maaga ako nagising kahit puyat ako kakaisip sa kung anu-ano. At ang isipin na kung mamatay ako o makakapatay ako. "Jessy, ayos ka lang ba? Tiwala lang at determinasyon ang kailangan mo." wika ni Eveth habang kumakain siya at katabi ako. "Kapag inunahan ka ng takot, malamang tigok ka." singit na salita ni Danica sa nakakalokong ngiti. Tahimik lang ako at hindi ko pinatulan ang sinabi ni Danica, dahil okupado ng isipan ko ang magaganap mamaya at mga mangyayari. Hanggang sa dumating na muli si Garry, binigay sa akin ang uniform na katulad sa kanila. Habang na sa harap ako ng salamin at tinitingnan ang kabuan ko, hindi ko mabilang kung kailan tumigil ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Jessy, halika na aalis na tayo." tawag sa akin ni Eveth sa labas ng pinto. Magkasabay na bumaba kami sa hagdan diretso sa labas at sumakay sa sasakyan. Halos manginig ang kamay ko sa bawat minuto na lumipas at sa bawat hinto ng sasakyan. "Jessy, relax lang." seryosong puna ni Andrea sa akin. "Alam ko, pero kinakabahan pa rin ako. Hindi ako takot mamatay, pero... Hindi ko kayang pumatay." naiiyak na sambit ko. "Kapag hindi mo 'yun ginawa, ang boss natin ang mahaharap sa alanganin. Pati na rin ikaw," muling salita ni Andrea sa akin. Naalala ko ang laban ni, Helga. Naiwan siya ngayon sa bahay dahil nagpapagaling pa siya. Sana hindi niya hilingin na patayin ko ang kalaban kung sakali man na manalo ako sa laban mamaya, at kung ako naman ang mamatay... "Bumaba na kayo." sabi ni Gary ng pagkahinto nang sa sakyan. Napapitlag pa ako dahil nandito na pala kami, nagbabaan na kaming lahat at naglakad sa hall way, dito ulit sa pinagdalhan sa amin. Narinig ko na naman ang nakabibinging hiyawan at sigawan ng mga babae at lalaki. "Ladies and gentlemen, ngayong araw na ito 'ay ang simula muli ng ating kasiyahan. Sa aming mga panauhin na kasalukuyan ng mga naka-upo sa kanilang pribadong upuan," panimulang salita ng lalaki sa mikropono. Naupo kaming apat sa inupuan namin 'nung magpunta kami dito mas lalong tumindi ang kaba ko, napantingin ako sa itaas at nagtama ang mata namin ni Mr. Smith, seryoso siyang nakatingin sa akin. "Tinatawagan ko na ang magkabilang panig. Sa pagitan ng ating mga boss," muling salita ng announcer. "Maaari ng magpunta sa loob ng ring ang mga maglalaban. Para sa bata ni Mr. Han, DARLING!" umalingawngaw ang tinig ng announcer sa pagtawag sa makakalaban ko. Sa kabilang dulo, nakita ko ang babae na naglalakad sa gitna paakyat sa ring. Naka-suot siya ng katulad sa akin ngunit pinagkaiba lang ay off-shoulder ito at kulay violet ito. Ang buhok niyang blonde na maikli at hanggang leeg lang. Ang sexy at ang ganda niyang tingnan habang siya'y naglalakad at umiindayog ang kanyang balakang. "Ok, ayan ang ating si Hot Darling. Tingnan niyo naman dahil talagang napaka-ganda niya." muling salita ng announcer. "Dito naman tayo dadako sa alaga ni Mr. Smith, iba 'to dahil bagong babae ito ni Mr. Smith at batang-bata pa." natatawa at malokong pagpapatuloy nito. Tumayo naman ako at kahit hindi pa tinatawag ang pangalan ko naglakad na ako papunta sa ring. "Mukhang hindi siya excited mga aming panauhin," nakakaloko na salita muli nitong announcer. "Ayan na po siya ang alaga ni Mr. Smith Young Jessy." malakas na announce nito sa pangalan ko. Muling umingay dito at talaga namang mabibingi ka dahil sa dami ng mga taong nandito sa loob. Nagkatinginan kami nitong si Darling, pansin ko na parang kalmado lang siya at hindi kababakasan ng kaba. "Ito na sisimulan na natin ang laban, sa mga pupusta pag-isipan niyo ng mabuti." pagpapatuloy na salita ng announcer. Hanggang sa nag-bell na hudyat ng pagsisimula ng laban. Naglakad si Darling nang dahan-dahan at hindi ko alam kung ano ang balak niya. Ako naman kalmado na pinag-aaralan ko siya ng mabuti habang naka-depensa ang dalawang kamay ko sa maaaring gawin nito. Bigla naman itong kumilos nang mabilis at nagulat na lang ako ng sipain niya ako at tumama ito sa panga ko. Bagsak agad ako sa sahig dahil sa sobrang lakas hinawakan ko ang panga ko na may bahid ng dugo at napatingin ako ang mga matang nakamasid sa akin. "Tayo! Ano ayaw mo na?" nakangising salita nitong si Darling sa akin. Pinilit ko namang tumayo kahit parang pakiramdam ko parang tumabingi ang mukha ko dahil sa lakas ng pagkakasipa nito, nakatayo naman ako. Lumapit ako sa kanya ng konti at hinintay ang kanyang susunod na atake. Nakita ko na susugod siyang muli naging alerto ako nang makita ko na lalanding sa mukha ko ang kamao nito. Mabilis na umiwas ako at yumuko sabay suntok ko ng malakas sa sikmuta niya. Napaatras ito sa akin habang kapit-kapit nito ang tinamaan ko. "Ito na, nagsisimula na muli ang pag-init ng laban. Mga boss maaari na kayong pumusta ngayon. Mr. Smith mauna na kayong magsalita." narinig ko na salita ng announcer. "Sampung milyon." sambit ni Mr. Smith. Dito ako napalingon dahil nagulat ako sa laki ng pusta niya sa akin, bigla na lang may matigas na bagay ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. "Jessy! Mag-focus ka!" sigaw ni Eveth sa akin. Sandaling napalingon ako sa kanya at muling naging seryoso kahit pa masakit ang mukha ko. Lumapit ako at dinikitan ko ang kalaban na kinagulat ni Darling. Lumalayo naman sa akin si Darling pero ako patuloy sa paglapit sa kanya, hangggang sa makita ko na muli siyang susuntok sa akin. Mabilis na na ilagan ko ang kamao niya kasunod ang paglanding ng kamao ko sa mukha niya, sunod-sunod na pinagsusuntok ko siya sa mukha. Pero nakabawi siya dahil nasangga niya ang kamao ko at sa isang iglap sinipa niya ako sa tiyan. Malakas ang pagkakasipa sa akin kaya tumalsik ako sa sulok, pilit na tumatayo ako pero nakalapit na siya at pinagsisipa ako sa tagiliran habang tumatawa siya. Hindi ako makagalaw dahil ang sakit ng tagiliran ko. Ahh... Hindi ako makagalaw, ayokong matalo agad at ayokong matapos na lang ito ngayon. "Aming manonood, ito na ang sandali mababawasan na kaya muli ng fighters Mr. Smith? Ano sa palagay niyo?" seryosong salita ng nasa mikropono. "Jessy! Tumayo ka!" sigaw muli ni Eveth sa akin. Narinig ko na lang ang pagkalansing ng isang bagay. Tinigilan ako ni Darling at parang may pinuntahan kung saan. Pagkakataon ko na ito para makabawi, hirap na hirap na tumayo kahit pakiramdam ko nanghihina na ang katawan ko. Napatingala naman ako 'kay Mr. Smith na seryosong nakatingin lang sa akin. Huwag kang magpapatalo sa laban. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kagabi. Kapit ko ang makirot na tagiliran pinilit kong tumayo ng tuwid, namataan ko si Darling may pahabang hawak. Ice pick! "Katapusan mo na ngayon!" sigaw ni Darling habang mabilis na tumakbo palapit sa akin. Hinanda ko naman ang sarili ko dahil ibibigay ko na ang natirang lakas ko, pakiramdam ko nag-slow motion ang paglapit niya sa akin habang hawak niya ang ice pick. Hanggang sa isang dipa na lang ang layo niya sa akin, inatras ko ang isa kong paa upang magkaroon ng pwersa. Balak niya muli akong suntukin at muntikan na akong tamaan, tumagilid ako at puwersang ginamit ko ang siko ko papunta sa sikmura nito. Naramdaman ko ang pagtalsik ng laway niya. Habang kapit niya ang sikmura niya mabilis ako'ng kumilos at kinulong ko sa braso ko ang leeg niya, pahablot na kinuha ko sa kamay niya ang ice pick na hawak niya. "Kill! Kill! Kill!" "Kill! Kill! Kill!" Ang lakas ng kaba ko habang hawak ko na sa leeg si, Darling. Nagpu-pumiglas pa siya pero mahigpit ang kapit ko kaya hindi siya mkakawala. "Ngayon, Mr. Smith ano ang inyong utos? Patay o Buhay?" Seryosong tanong ng announcer kay Mr. Smith. Napaangat naman ang tingin ko sa itaas at muling nagtagpo ang mata namin. Huwag mong hihilingin na patayin ko siya. Kausap ko sa ispan ko habang titig na titig sa kanya. "Patay." sagot nito sa na walang emosyon. Nagsimula na namang umingay at halos mabingi ako sa mga sigawan nila, pati ang pagtibok ng puso ko mas lalong tumindi. "Sige na, Young Jessy gawin mo na." masayang wika ng na sa mikropono. Tulala na hindi ko malaman ang gagawin, tiningnan ko ang hawak kong ice pick pati itong si Darling na halos maiyak na sa higpig ng kapit ko sa leeg niya. Hindi! Hindi ako papatay! Hindi ko kayang pumatay! Naghuhumiyaw na sigaw ng isip ko. Binitiwan ko si Darling na kinagulat nang lahat. Binato ko kung saan ang ice pick na hawak ko, habol naman ni Darling ang kanyang hininga at umuubo. Alam kong may mga matang nakatingin sa akin ngayon at ramdam ko ang galit nila. ++++++++++++ ?Black_Moon301
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD