KABANATA I

1412 Words
IKAUNA: "Unang pagkikita." (Ang nakaraang dalawang taon…) “Señorita Alena? Señorita? Nasaan ka na, Señorita?” Humahagikhik si Alena habang pinagtataguan sa isang sulok ng mataong plaza ang kanyang tagapangalaga na si Rosita. Gusto kasi niyang takasan ito dahil nais niyang maglibot-libot ngayon ng mag-isa. “Señorita?” Nagpatuloy siya sa maingat na paglalakad at pagtatago habang dinig pa din ang tinig nito mula sa ‘di kalayuan. Siguro nama’y hindi na siya mahuhuli nito ngayon… “Señorita Alena!” Medyo mahina na ang tinig ng kanyang tagapangalaga kaya nakalayo-layo na rin malamang siya. Lumingon siya sa likod niya at hindi na niya matanaw si Rosita, halos din hindi na niya marinig ang boses nito dahil sa layo na siguro ng nilakad o tinakbo nu’n para paghanapan sa kanya. Marahang nakatawa at umiiling pa rin siya sa kapapasaway na ginawa niya nang umisang hakbang siya patalikod at ganoon na lang ang gulat niya nang tumama ang kanyang likod sa matigas na likod ng isang matikas na binata. “Naku, paumanhin! Pasensya ka naー“ Naputol siya sa sasabihin nang paglingon para makita ito ay kapwa silang nabigla sa isa’t-isa. Isang matikas at kay batang Heneral! Maging ito rin ay natulala dahil sa nakitang kagandahan ng dalagang nakasagi ng likod nito. Ilang sandaling matapos makipagtitigan dito ay nabalik si Alena sa reyalidad. Agaran siyang umiling at humingi ulit ng despensa rito. “Pasensya na, hindi ako tumitingin sa daraanan.” Umiling din ito saka magiliw na ngumiti. “Ako din naman ay may kasalanan. Pasensya na, Señorita.” Napangiti siya at muling nakipagtitigan dito. Kay gwapo namang sundalo nito! Heneral kaya siya dito sa bayan ng Sitio Makalaya? “Señorita Alena, nandito ka lang pala!” Nagulat siya nang sumulpot na ang hingal na hingal na si Rosita sa likod niya, malamang ay napagod at nahapo ito kahahagilap sa kanya. Hinawakan siya ng tagapangalaga sa kamay. “Halika na! Mayamaya lang ay darating na ang kuya mo kaya baka hanapin ka pa niya at malagot ako kapag nalamang natakasan mo na naman ako! Halika na! Wala na siyang nagawa nang tuluyan siyang hilahin palayo ng kanyang tagapangalaga. Isang lingon pa sa binatang Heneral at nakita niyang nakangiti pa rin ito sa kanya, nangiti din tuloy siyang tuluyan nang magpatianod kay Rosita. Ano kayang pangalan niya? Sana ay magkaroon ng pagkakataong makita kong muli siya… na sana magkita ulit kami… Sa kabilang dako nama’y napangiti ang batang Heneral sa pinakamagandang mukhang nasilayan niya dito sa plaza. Señorita Alena… kay gandang pangalan para sa maamo at napakagandang mukha! Pagkabalik nina Alena sa kanilang bayan sa Santos Poblacion at pagkauwi sa bahay nila’y laking tuwa niya nang naghihintay sa malawak na yarda at mukhang kanina pa inaabangan ang pag-uwi niya ng kanyang kapatid. “Kuya Carlos!” tuwang-tuwa na naibulalas niya at tumakbo papunta rito para salubungin ng yakap. Nakangiti naman nitong niyakap din siya. “Kanina ka pa ba nakauwi, kuya?” “Hindi naman gaano, Alena. Kamusta na?” “Sobrang ayos, kuya! Maganda at nakakatuwa ang araw ko ngayon!” kuwento niya habang nakahawak sa puso at binabalik-tanaw sa gunita ang nangyaring insidente sa plaza kanina patungkol doon sa nakabanggaan niyang Heneral din marahil ngunit ng bayan o ng ibang bayan at nagawi lang din sa Sitio Makalaya. Kung Heneral ‘yon, siguradong makakasundo iyon ng kuya Carlos niya dahil si Carlos Francisco ay siyang Heneral ng lugar nilang itoーng Santos Poblacion. Ang kuya niya ang pinagkakatiwaan at kanang-kamay ng kasalukuyang Gobernador ng kanilang bayan. Akmang magsasalita na siya para banggitin ang tungkol sa taong ‘yon nang magsalita din si Carlos. “Hulaan ko kung bakit maganda at nakakatuwa ang araw moーdahil tinakasan mo na naman si Rosita, hindi ba?” pag-i-interoga nito ngunit sa makulit ät kaswal lang na paraan. Ganito naman talaga si Carlos sa kanya, eh. Kung may kagagalitan man sa kanya, hindi naman ito grabe kung magalit. Oo, grabe malamang ang authority nito kapag nasa trabaho, pero kapag pagdating sa pamilya? Malambot at napakamaunawain nito. “Ah, eh, kuya, halika na sa loob ng bahay at pumasok na tayo! Ipaghahanda kita ng paborito mong pagkain,” pag-iiba ni Alena para kunwaring ilihis ang usapan. Nakakailang hakbang pa lang siya nang hinarang siya ng kapatid. “Alena Francisco, huwag mong ilihis at mas lalong huwag mong iwasan ang usapan. Sagutin mo ng totoo ang tanong ko, bakit tinakasan mo na naman si Rosita, ha?” Nagbuntong siya saka ngumuso. “Gusto ko kasing mamasyal nang hindi na sana iniistorbo si Rosita…” “Alena.” Marahang nagbuntong din ito saka sumeryoso. “Alam mo naman kung bakit ko ginagawang lahat ito, ‘diba? Nangako ako sa mama at papa noong nabubuhay pa sila na kahit na anong mangyari poprotektahan kita at hindi ko hahayaang mapahamak ka. Kaya ako naghihigpit sayo, dahil iniisip ko lagi ang kaligtasan mo. Hindi naman kita pinagbabawalang lumabas at mamasyal, ‘di ba? Ang sa akin lang, gusto ko lang makasiguro kaya dapat lagi kang may kasama saan ka man magpunta.” Lumambot din siya at tila biglang nakunsensya.  Magmula nang maulila sila batid ng walang habas na pamamaslang sa mga magulang nila noong mga bata pa sila, ang kuya Carlos na niya ang tumayong magulang niya. Sa propesyon nitong pagiging Heneral ng Hukbong Sandatahan, dalawa o tatlong beses lang niya itong nakikita at umuuwi dito sa bahay nila ngunit ginagawa nito ang lahat at nagpapahigpit ng seguridad para lang mapayapa ito at mapanatiling ligtas siya. “Alam ko naman ‘yon. Patawad, kuya.” Ngumiti ito saka parang batang ginulo-gulo nito ang buhok niya saka tumuloy na sila sa loob ng bahay. Matapos magsalu-salo ang magkapatid sa hinanda ni Alena para kay Carlos, nagpaalam na ang huli na papasok na sa loob ng silid nito dahil nais nang magpahinga. Tinungo ni Carlos ang higaan at naupo roon habang binabalik-tanaw sa gunita ang mukha ng butihing mga magulang. Nagiging pasaway na ang kapatid kong bunso, mama, papa, pero huwag ho kayong mag-alala, poprotektahan ko siya sa abot ng makakaya ko kagaya ng ipinangako ko sa inyo habang hinahanapan ko ng hustiya ang walang-awang pamamaslang sa inyo… Nang muling bumalik si Alena sa merkado ng plaza ng Sitio Makalaya, umasa siyang makikitang muli roon ang Heneral na sa unang pagkakataon ay siyang tanging binatang talagang nakatawag ng pansin niya. Ngunit naglibot-libot na’t napuntahan na ang lugar kung saan niya ito unang nakabanggaan at nakita ay hindi pa rin niya ito natagpuang muli. Bumuntong siya at sumuko na lang sa paghahanap. Imposibleng makita ko ulit siya… no’ng araw na ‘yon, baka nagkataon lang na napadaan siya dito sa plaza at maaaring hindi na siya bumalik pa… Hindi na siguro kami magkikita ulit… “Señorita Alena? Malungkot ka yata? May problema ba?” simpatikong tanong sa kanya ni Rosita na nakasunod sa kanyang likod. Hindi niya ito nilingon at matamlay na nagpatuloy lamang sa paglalakad. “Wala. Ayos lang ako, Rosita.” Nag-aalala ma’y hindi na ito nagsalita at tahimik na lamang na sumunod sa kanya. “Señorita, sa bandang ‘yon, maraming mga paso at tindang mga halamang bulaklak, tila marami at may iba-ibang klase!” ang biglang natutuwang bulalas nito sa kalagitnaan ng paglalakad nila. Sinundan niya ng tingin ang tinuro nito kaya labis din siyang natuwa at namangha. Tuluyang nawala sa isipan niya ang lungkot nang nasasabik na pumunta sa merkado ng iba’t-ibang uri ng mga halamang bulaklak. Ang naunang maingat na hinaplos ng mga daliri ay ang mga Sunflowers na nasa paso, ang kasunod ay ang paborito niyang kulay rosas na mga Tulips. “Ang gaganda, Señorita!” positibong komento ni Rosita na nakasunod sa kanya. “Oo nga! Ang gaganda!” pagsang-ayon naman niya habang giliw na giliw sa mga bulaklak. “Magagandang mga bulaklak na nagpapaalala sa akin ng isang napakagandang binibini…” Pareho silang napatingin ni Rosita sa nagsalita sa may gilid hindi malayo dito sa kinatatayuan niya. Parehas ni Alena’y marahang nakahaplos din ang nagsalitang binata sa magagandang Tulips. At nang dumako ang mga mata sa kanila’y kaparehas niya’y nabigla din ito nang hindi inaasahang makikita siyang muli sa lugar na ‘to. Palakaibigang nginitian niya ito at magiliw din ang naging pagtugon nitong ngiti sa kanya…  Ito ang pangalawang beses na ramdam niya ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso katulad noong una niya itong makita at masilayan...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD