K2

858 Words
CHAPTER 2 NAALIMPUNGATAN si Toni nang magising siya. Madilim ang paligid. Maliban lang sa munting liwanag na nagmumula sa isang lampshade sa may 'di kalayuan. Pagtataka ang naramdaman niya kung bakit siya naroon sa lugar na 'yon at kung nasaan siya. Mariin niyang pinikit ang mga mata, nang maalala ang nangyari kagabi. Ang humahabol sa kaniya. Pinakiramdaman ni Toni ang sarili. Kumpleto ang damit na suot niya. Luminga-linga siya sa paligid, mag-isa lang siyang nasa silid. Napalunok siya sa mga tanong na namayani sa isip niya. Paano kung ang lalaking nagligtas sa kaniya ay isa sa mga tauhan ni Sigmundo? Paano kung palabas lang nito ang ginawang pagligtas sa kaniya? Huwag naman sana, lihim niyang nahiling sa sarili. Pag nangyari 'yon, tuluyan na siyang makukulong sa mga kamay ni Sigmundo at hindi niya matatanggap iyon. Kasehodang magpakaalipin siya gagawin niya, huwag lang muling gapusin ni Sigmundo sa mga kamay nito. Hindi niya matatanggap. "Gising ka na pala." Bahagyang nagulat si Toni sa bulto ng katawan na biglang pumasok sa silid. Nakaramdam siya ng kaba, tulad kanina hindi niya man lang maaninag ng maigi ang mukha nito. Napalunok muna siya nang tinanong niya ito. "Saan mo ako dinala?" "Huwag kang mag-alala. Ligtas ka," sagot nito sa kaniya. Muli gusto niyang magtiwala. Iyon na lang ang kailangan niyang gawin sa mga sandaling 'yon. Ang magtiwala, para tuluyan siyang mailigtas at makatago ng tuluyan sa Don na ayaw niya nang makita pa kahit kailan. "S-salamat," nanginginig niyang sabi sa harap nito. Napapikit siya nang tumambad sa kaniya ang maliwanag na silid nang buksan nito ang ilaw. Nahihiyang binaling niyang muli ang tingin sa lalaki. Matangkad ito, may kakapalan ang buhok, kayumanggi ang kulay ng balat. Nakangiti itong nakaharap sa kaniya. "Dinala kita sa Isla. Pagmamay-ari to ng kaibigan ko, ang alam ko ligtas ka rito. Kung ikaw man ang hinahabol ng tatlong lalaking 'yon," turan nito sa kaniya. Sunod-sunod pang paglunok ang pinakawalan niya nang papalapit ito sa kaniya. Mas lalo niyang napagmasdan ang mukha nito ; may bilugan itong mata, makapal na buhok, matangos na ilong at mamula-mulang labi. In short gwapo ang lalaking nasa harap niya ngayon. Lalaking-lalaki sa talaga nitong tindig. Sa tantiya niya nasa edad bente syete palang ito. "Ako si Carlitos. Gusto kong magtiwala ka sa akin," sabi pa nito. Tumayo mula sa pagkakaupo sa kama si Toni, hinarap ito at tinanggap ang kamay nito sa harap niyang nilahad nito. "Ako si Toni. Anthonette Mandique," buong pangalang pagpapakilala niya rito. "Carlitos Magtibay ang inyong lingkod Ms. Mandique." Tumungo pa ito sa harap niya at dinala sa labi ang likod ng palad niya. Patay malisyang hinila ni Toni ang kamay niya mula rito. "Nasaan nga pala tayo?" tanong niya rito.Umikot ito sa kaniya, umupo sa kama nito. "Nasa Ilocos pa rin tayo. Masasabi ko lang ligtas ka, dahil naka-safe alert 'tong Isla," tugon nito sa kaniya. Nakahinga siya ng maayos sa sinabi nito sa kaniya. Sana lang nasa mabuting kamay nga talaga siya. Na ito ang makakatulong sa kaniya sa tuluyan niyang pagkawala kay Sigmundo. Hindi niya naman kasi akalaing mula sa Bicol masusundan siya nito sa Ilocos. Ngayon niya lang napatunayan ang kapangyarihan nito pag ginalaw ang pera. Napatiim-bagang siya para rito. "Sino ba naghahabol sa'yo? Napalunok si Toni. Hindi alam kung dapat ba niyang sabihin dito ang dahilan kung bakit siya nasa gawing bahaging 'yon. Gusto niya magtiwala rito. Pero sa laki ng pabuyang inaalok ni Sigmundo baka ipagkanulo lang siya nito. "Okay. I respect your privacy," sabi nito maya-maya nang mapansin siguro ang pananahimik niya. "Pasensiya ka na. Hindi ko rin alam," pagsisinungaling ni Toni. Iniwas niya ang tingin niya rito. "Tulad nga ng sabi ko. Huwag kang mag-alala, ligtas ka rito, Toni. Magtiwala ka lang," anito sa kaniya. Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Um.upo siya paharap dito sa sofa sa kabilang bahagi. "Taga-Ilocos ka ba?" tanong nito sa kaniya. "Pasensiya ka na. Pero nang makita kita kanina, wala man lang akong nakitang kahit na ano'ng pagkakakilanlan mo." "S-Samar ako. Samar talaga ako. Nagbabakasyon lang ako rito," sagot niya kay Carlitos. Ngumiti lang ito sa kaniya, walang kahit na ano'ng namutawi pa sa bibig nito. Hindi na nagtangkang magtanong pa sa kaniya. "Magpahinga ka na. Bukas igagala kita rito sa Isla.." Nakaramdam ng pananabik sa puso ni Toni sa sinabi nito sa kaniya. Pero nandoon pa rin ang takot na namayani sa puso niya, na baka posibleng may makakita sa kaniya at baka mapahamak pa ito dahil lang sa kaniya. "S-salamat. Pero huwag ka na mag-abala. Aalis din ako agad." "No. I won't let you go. Ayaw kong mapahamak ka, Toni. Hayaan muna natin silang makalayo, bago ka umalis." Napakunot-nuo si Toni sa sinabi nito sa kaniya. "Besides may babayaran ka pa," anito. "Babayaran?" "Kailangan kitang singilin sa pagligtas ko sa'yo, Toni." Napalunok si Toni sa sinabi nito sa kaniya. Kung ano man ang ibig sabihin nito, wala siyang alam. Tsaka niya lang naalala ang sinabi niya rito. Nang nakiusap siya sa harap nito, nang humingi siya ng tulong dito. Kung ano man ang kabayaran na gusto nito. Hindi niya alam, ang tanging hiling niya lang na sana kaya niya. Kaya niya bayaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD