All about TONIght

All about TONIght

book_age16+
807
FOLLOW
1.5K
READ
drama
tragedy
heavy
like
intro-logo
Blurb

NALAGAY sa kapahamakan ang buhay ni Toni, mula nang tumakas siya sa poder ni Don Sigmundo. Ang matandang mayaman na pinipilit siya nitong pakasalan. Dahil sa malaking pagkakautang ng magulang niya sa matandang hindi niya maatim na makasama ito habambuhay. Mula sa Bicol napadpad siya sa Ilocos--- ang inaakalang ligtas na lugar para sa kaniya ay isa palang pagkakamali. Dahil muling nalagay sa panganib ang buhay ng dalaga.

Si Carlitos Magbunga, ang binatang sumagip sa buhay ni Toni. Dinala niya sa Isla na pagmamay-ari niya ang dalaga. Binigay ang kaligtasan nito sa mga lalaking nagtatangka ng masama sa buhay nito.

Isang kabayaran ang siningil ni Carlitos sa dalaga. Isang gabing pagniniig nila ang hiningi niyang kapalit mula rito. Agad naman itong binigay sa kaniya ni Anthonette, walang pag-alinlangan makabayad lang sa utang na loob nitong kaligtasan.

Isang gabing sandali kapalit ang ilang taong paghahanap ni Carlitos sa dalaga. Paghahanap na may matutuklasan siya sa tunay na katauhan nitong magpapahirap sa buhay niya.

“Everything about TONIght. I will not forget you, Toni.”

ic_default
chap-preview
Free preview
ANG SIMULA
LAKAD takbo ang ginawa ni Toni, maiwasan lang ang lalaking kanina pa naghahabol sa kaniya. Pilit niyang iniinda ang takot at kabang namamayani sa puso niya. Madilim na sa bahaging 'yon kung nasaan siya ngayon. Kung bakit ba naman kasi gabing-gabi na, naisipan niya pang mag-ikot sa kahabaan ng Villa Esperanza na pagmamay-ari ng isa sa mayamang tao sa lugar nila. Partikular sa lugar nang tiyahin niyang pansamantala niyang tinitirhan, nang tumakas siya kay Don Sigmundo. Mula Bicol lumuwas siya hanggang Ilocos ang akalang lugar na akala niya’y ligtas siya ay isa palang pagkakamali para sa kaniya. Naramdaman niyang muli ang pagtaas-baba ng dibdib niya. Luminga-linga siya sa paligid. Bagamat walang ibang nakikita dahil sa laganap ng dilim sa paligid. Kumubli siya sa matayog na mga halaman. Hindi niya man alam kung paano siya makakauwi ng ligtas sa bahay nila. Kailangan niyang mag-isip ng paraan, para makaalis siya roon. Hindi niya napigilang murahin ang sarili. 'Ang tanga mo Antonette, Mantakin mo ba namang iwan ang cellphone mo sa bahay niyo!" gigil niyang untag sa sarili. Mariin siyang pumikit, binuksan ng maigi ang pakiramdam sa paligid. Hindi niya man nakita ang mukha ng lalaking kaninang naghabol sa kaniya, alama niyang malaki ang katawan nito at kayang-kaya siya nito. At ang hindi niya matatanggap kung dalhin siya nito kay Sigmundo. Mamamatay muna siya. Pilit niyang 'di ininda ang takot na naramdaman. Uuwi siya ng buhay 'yon ang pinapangako niya sa sarili niya, sa mga sandaling 'yon. Hindi niya hahayaang mapahamak siya sa kamay ng taong hindi niya kilala. Galit ang namayani sa puso ni Toni, nang maisip na baka isa ito sa mga pakawala ni Don Sigmundo. Pinahiran niya ang luhang lumandas sa pisngi niya, sa naramdamang pagkamuhi sa matandang lalaking maaaring may kinalaman sa naghahabol sa kaniya. "Huwag kang maingay!" Napapitlag si Toni. Nang may naramdaman siyang tao sa likuran niya. Tinakpan ang labi niya. Sa boses nito alam niyang lalaki ito. Nararamdaman niya ang panginginig ng mga tuhod niya. "Hindi ako kalaban. Huwag ka lang maingay, may mga nakita ako sa dulo. Mukhang may hinahanap sila.” Dahan-dahang napalingon si Toni sa likuran niya, nang tanggalin nito ang kamay nitong nakatabing sa bibig niya. Para hindi siya maglikha ng ingay. Hindi niya masyadong naaaninag ang mukha nito. Pero gusto niyang magtiwala rito sa sinabi nitong hindi ito kalaban. "Iligtas mo ako! Nagmamakaawa ako sa'yo. Lahat gagawin ko. Iligtas mo lang ako!" may panginginig sa boses ni Toni, habang nakikiusap siya rito. "Let's go! Sumama ka sa akin." Napapikit siya, kasabay ang pagtanggap sa kamay nito. Wala siyang kailangan gawin kundi ang magtiwala sa lalaki. Kung ito ang makakatulong sa kaniya, para mabuhay siya sasama siya rito. At tulad ng sinabi niya gagawin niya ang lahat ng gusto nito. Maging ligtas lang siya. DINALA ni Carlitos, ang babaeng hindi niya nakilala sa Isla niya sa bukana ng mansyon nila sa Villa Esperanza. Ito ang lugar na madalas niyang pagtambayan pag nandoon siya sa Villa. Pinagmasdan niya ang dalaga. Mabuti na lang maayos niya itong nadala sa lugar niya. Hindi niya man alam kung ito ang hinahanap ng tatlong taong namataan niya kani-kanina lang. Tama lang ang ginawa niyang iligtas ito. Mukhang inosente ang dalaga, maamo ang mukha nito, may matangos na ilong, mapulang labi at mahabang pilik-mata. Kahit pa ang maliit na ilaw lang ang nagsisilbing ilaw para mapagmasdan niya ang mukha nito, sigurado ni Carlitos na maganda ito. Napalunok siya sa naalala. "Gagawin ko ang lahat. Iligtas mo lang ako." Napalunok siya ng bumaba ang tingin niya sa malusog na dibdib nito. Naka black t-shirt ang dalaga, pantaong maong na fit na fit dito. Tinanggal niya kanina ang sneakers na suot nito. Nagtataka siya dahil wala man lang dalang pagkakakilanlan ang dalaga. Ni cellphone wala itong dala. "Nahold-up ka ba?" tanong niya sa sarili para rito. Pagtataka ang namayani sa puso niya, kung bakit ito nandoon sa Villa dis-oras ng gabi. Maliit lang ito kaya maayos niya itong naihiga sa kama niya. Tulog na tulog pa rin ito. Napagod siguro sa katatakbo, naisip niya. Tumayo siya't nagpasyang tinungo ang maliit na mini-bar niya sa labas ng silid niya. May 'di kalakihan ang lugar kung nasaan siya ngayon. Sapat na para sa kaniya ang isang silid na inuukopa ng babaeng nakita niya sa labas maging ang maliit na sofa at mini bar niya sa may 'di kalayuan. Minsan lang naman siya nagagawi sa lugar na ito. Pag gust niya lang mapag-isa mula sa magulong mundo niya sa Manila, dito sa Ilocos pakiramdam niya ligtas siya. Babalik na lang siguro siya sa siyudad kong ipapatawag siya ng ninong niya tungkol sa mga proyekto nito sa iba't ibang minahan sa sulok ng Pilipinas. Sa ngayon gusto niya mapag-isa, hindi alintana sa nakita niya sa labas ng Villa. Hindi rin alam ni Carlitos kung bakit mas pinili niyang sa Isla tumuloy kaysa ang dumiretso sa kanila sa Villa. Nagsalin siya ng isa sa mga wine collections niya ang Pedroncelli. Ito ang isa sa mga mamahalin niyang alak na nagmula pa sa Italya sa huling bisita niya roon, dalawang taon pa lang ang nakakalipas. Muling sumariwa sa isip niya ang mukha ng dalagang may mga takot sa mata nang nakita niya kanina. "Iligtas mo lang ako. Lahat gagawin ko!" salitang binitiwan nitong rumehistro sa isip niya. Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Carlitos nang may maramdaman na paninigas sa ibabang parte ng pantalong suot niyo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
89.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
200.1K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
52.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
152.3K
bc

His Obsession

read
96.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook