Nakaramdam ng selos si Jicko sa sinabi ni Erin. Sa tatlong taon na nasayang niya para makasama ang anak ay iba ang kinilala nitong ama. Hindi na niya nagawang sumagot pa sa sinabi ni Erin. Pinilit na intindihin dahil wala naman may gusto sa nangyare. Sadyang hindi lang pumayag ang panahon sa kanila noon. Madaming hadlang sa pagmamahalan nila kaya hindi niya pwedeng isisi kanino man. Tahimik lang siya buong byahe hindi rin pinilit ni Erin na kausapin siya siguro ay naramdaman nito na hindi na siya komportable sa pinag-uusapan nila. Maging ang paglingon ay hindi na niya nagawa ewan ba, bigla na lang siyang nakaramdam ng bigat sa pakiramdam. Lalo na't sa tatlong taon na hindi niya nakasama si Erin ay si Dave ang kasama nito. Ayaw niyang isipin na sa loob ng tatlong taon na iyon ay walan