May pangyayare sa buhay natin na akala natin ay okay na, Iyong saya na naramdaman natin akala natin tuloy-tuloy na pero kapag ang tadhana na talaga ang magbiro hindi mo maiiwasan at mas lalong hindi mo mapipigilan kung iyon talaga ang mangyayare. Masaya si Erin sa na naging takbo ng relasyon nila ni Jicko. Dalawang buwan na itong nanliligaw sa kaniya at araw-araw ay wala itong palya sa pagpapasaya sa kaniya. Minsan naiisip niyang natupad na ni Universe ang hiling niyang bigyan siya ng isang tao na kaya siyang pasayahin kahit wala itong hinihinging kapalit mula sa kaniya. Iyon mamahalin siya ng buo tatanggapin kung ano at sino man siya. Iyong hindi mo na kailangan mag-isip na may kahati ka, kahit minsan ay nagseselos siya sa mga babaeng nakakausap nito. Hindi rin naman maiwasan ang ganoong