"Erin, nandito na tayo." dahan-dahang minulat ni Erin ang mga mata niya. Bahagya niya pa itong kinusot para tingnan kung nasaan na sila. "Anong lugar 'to?" "Sa probinsya ng Lola at Lolo ko." gulat niyang nilingon si Jicko. Maganda at maaliwalas ang lugar. Iyon bang kapag nandito ka sa lugar ay payapa ang mararamdaman mo. Hindi mo iisipin ang mga bagay na nagpapagulo sa isip mo. "Bakit tayo nandito?" "80th Birthday ni Lolo, kaya naisipan kong isama ka dito." Napangiti siya sa sinabi niyon ni Jicko. Kahit sa simpleng ginagawa nito ay napapasaya siya. Namiss niya ang buhay probinsya noon sa kanila. Mas gusto niya pa rin manirahan sa ganitong klaseng lugar kaysa sa manila. "Halika, ipapakilala kita sa kanila." Sandali niyang hinila ang kamay ni Jicko dahilan para lingunin siya nito