26 After One and a half year: "CONGRATS mga inuyat! Sa wakas, graduate na rin tayo!" Tuwang-tuwa si Brad habang isa-isang niyayakap ang mga kaibigan. Suot pa rin nito ang togang ginamit nila sa graduation. Ayaw niya daw itong tanggalin dahil hanggang bukas pa naman ang deadline ng pagsasauli n'on sa Celestine. Nasa apartment sila ngayon at iyon na rin ata ang huling araw na magkakasama-sama silang anim kung kaya nilulubos na nila. Nasa apartment din si Samantha at si Celine at ang iba nilang kaibigan. Nandito ang mga magulang nila kanina ngunit nagdesisyon ang mga ito na iwanan na sila noong mapagtanto ng mga ito na hindi pa nila kayang paghiwalayin ang anim lalo na si Brad na todo makayakap sa mga kaibigan. Partida, hindi pa ito lasing n'on. Alam na rin sa Celestine na kasal na sila