27 "A-ano 'to? Ano 'yan?!" Nagtatakang tanong niya. Nakahilera kase ang mga kaibigan habang nakatalikod sa kaniya. Napasinghap siya nang isa-isang humarap ang mga kaibigan habang may nakadikit at nakasulat na 'Will you marry me?' Sa mga damit nila. Tumalikod siya para hanapin si Louie pero wala doon ang binata, bagkus ang mga magulang nilang akala niya ay nakauwi na ang nandoon. Nakangiti habang umiiyak ang Mommy niya habang hinahaplos ng Daddy niya ang braso nito. Nakangiti rin sa kanya ang Daddy ni Louie na kumaway pa sa kanya. Nalilito siya. Iginala niya ang tingin niya sa paligid. She's still looking for Louie. Hindi siya pwedeng iwan mag-isa ng lalaki gayung inilagay siya nito sa isang posisyon na alam naman ng lalaking ikakamatay niya sa kahihiiyan. Nang hindi niya ito makita sa p