Kaarawan ni Toby ngayon. Gaya nga ng inaasahan ay dinagsa ng mga estudyante mula sa St. Celestine College ang nasabing pagdiriwang. Dinaig pa nito ang after party ng St. Celestine got talent sa dami ng taong bumisita. Tahimik lang si Celine habang pinagmamasdan ang mga lalaki niyang nagpa-party. Sila Brad at Stephen ay nagpaparamihan ng babaeng mahahalikan habang kasama ni Iñigo si Toby, na nagpapakalasing dahil hindi siya sinipot ng kasintahan.
Napailing na lang si Celine. Hindi bat noong isang linggo lang ay sinabi niyang karma ni Stephen si Elena? Eto na si Stephen ngayon, magkabila na naman ang kaakbay na babae.
"Love, hindi ba dapat samahan mo din si Toby? Baka malasing 'yon, kung ano pang gawin." Tanong niya kay Liam na nakaupo nga sa tabi niya pero ang layo naman ng tingin. Alam naman ni Celine na nag aalala lang si Liam sa kaibigan, kahit naman kase siya ay ganun din ang nararamdaman. "Puntahan mo na sila, okay lang ako dito." Nakangiting sabi niya pa.
"Sigurado ka ba?" Tanong nito sa kanya.
"Oo naman, kapag nainip ako, matutulog na lang ako sa kwarto mo."
Ginawaran siya ng halik ni Liam sa noo saka ito nagmamadaling naglakad papunta sa kinauupuan nila Toby. Napabuntong-hininga na lang si Celine ng makita niyang inaagaw na ni Liam ang boteng hawak ni Toby.
'What now?' Tanong niya sa sarili. Parang gusto niya tuloy ulit tawagin si Liam para may kasama siya. Kung hindi niya kase kasama ang isa sa anim na magkakaibigan, malungkot siya. Wala naman kaseng kaibigan si Celine maliban sa mga ito. Atsaka si Elena, na umalis at hindi na nagpakita.
She's not a b***h. Sa katunayan ay Miss Friendship siya during highschool. Pero magmula ng nagkolehiyo siya at napalibutan ng anim na pinakagwapong estudyante sa Celestine, Wala na siyang naging kaibigang babae. They either wanted to be friends with her para makasungkit ng isa sa mga kaibigan niya, or they hate her. Walang in between, walang 'they wanted to be friends with her because she's Celine and she's a nice person'. Kaya nga sobrang nalungkot siya nung umalis si Lena.
She decided to just stay at Liam's room. Baka magbasa na lang siya ng pocketbook or manood ng Avengers collection ng boyfriend. Tinignan niya muna sila Liam na abala sa pagko-comfort kay Toby bago siya tumayo. The boarding house and the garden outside is full of people, kahit sa sala hanggang sa kusina hindi magkamayaw ang mga tao. Maraming alak at pagkain at napakalakas na music pero walang nagtatangkang pasukin ang isa sa mga kwarto doon. Off limits ang second floor, maliban na lang kung inimbitahan sila paakyat dun.
May anim na kwarto sa taas, one for each of the boys. Nasa pinakadulo ang kwarto ni Liam at habang naglalakad siya papunta doon, nagulat siya ng biglang nagbukas ang kwarto ni Louie.
Nagkatinginan pa silang dalawa ng matagal at ayon na naman ang hindi normal at eratikong pagtibok ng puso niya. Mukhang bagong gising ang binata. Naka boxers shorts pa ito —lang ito—, he doesn't have a shirt on. Napalunok ng maraming beses si Celine. She licked her lips while looking at him. They were both silent, kaya rinig na rinig niya ang t***k ng puso niya.
"Uhh.." Celine can't find her voice. Kailan pa siya naging ganito ka nerbyos kapag nasa paligid si Louie?
Walang sabi-sabi ay hinila siya ng lalaki papasok sa kwarto. His room smells like him. A hint of scotch, sandalwood and old spice. Manly. Just like the man in front of her.
"What are you doing here?"
"Uhh—"Hindi na nagawang sumagot ni Celine dahil nagawa na nitong halikan siya. 'God, bagong gising ka nga lang ba talaga?' Tanong niya sa sarili.
His tongue explores the insides of her mouth, teasing her tounge, asking her to play with him. This is wrong, Celine knows it was wrong. But she doesn't want to stop.
"Open your mouth, Babe. Dance with me." He said. Which she obliged. Willingly. Ngayon napatunayan ni Celine ang ibig sabihin ng salitang 'Mas masarap ang bawal,' because this is one hell of a good, intoxicating stuff.
"Papi! Alalayan mo si Toby baka kung anong madampot!"
Naitulak ni Celine si Louie palayo nung marinig niya ang boses ni Liam. 'Goodness Celine! What do you think you're doing?!'
Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib niya nung naramdaman niyang nasa tapat ang mga ito ng pintuan sa kwarto ni Louie dahil katapat iyon ng kwarto ni Toby. At nakasandal siya sa pintuan kaya dinig na dinig niya ang mga ito habang nag uusap.
"Katukin mo kaya si Louie, hindi natin kayang dalawa lang si Toby." Saad ni Liam.
"Oh, f**k!" She's dead, she's really dead. Hindi niya alam kung anong gagawin. Kung magtatago ba sa kwarto ni Louie, o lalabas para makita ni Liam. Kung lalabas siya, anong sasabihin niya? Paano niya ipapaliwanag kay Liam kung anong ginagawa niya sa kwarto ng kaibigan na halos hubo't-hubad?
Idagdag pang tila walang takot si Louie kung malaman ni Liam na nasa loob siya ng kwarto dahil nakayakap pa ito sa kanya habang inaamoy ang leeg niya.
"Sige—" Saglit na natigilan si Iñigo saka ito bumuntong hininga ng malakas. "H'wag na natin istorbohin si Louie. Kaya na natin itong dalawa."
Narinig ni Celine ang pagbukas ng kabilang kwarto at ang malakas na pagsara nito kaya niya napakawalan ang malakas na buntong-hiningang kanina niya pa pinipigilan.
"I need to leave!" Dali-dali niyang hinawakan ang doorknob pero pinigilan siya ni Louie.
"Are you sure? We can stay here for a little longer," Ginawaran pa siya nito ng maliliit na halik sa balikat.
"Louie ano ba!" Angil niya. "May boyfriend ako, at bestfriend mo pa!"
Tinitigan siya ng madiin ni Louie. "Tell me you didn't like it." Paano niya sasabihin kay Louie na hindi niya nagustuhan ang ginawa nila kung sa totoo lang e gusto niya, gustong-gusto niya?
"Hindi ko ginusto yon, Louie. At mali. Maling-mali!" Tiim-bagang si Louie habang nakatitig sa kanya. Umatras ito ng ilang hakbang habang nakatitig pa rin sa babae. Nag iwas naman ng tingin si Celine dahil hindi niya alam kung sa mukha o sa boxers ni Louie siya titingin.
"You can fool me, and Liam but you can never fool yourself." saad nito. "Mark my word, one of this days, sa akin ka rin babagsak.
"You can bet your life, I won't." Yun lang at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. Celine knew, she knew malaki ang posibilidad na maulit yung nangyari. He's right when he told her that she can't fool herself. Na bibigay ulit siya kay Louie. Hindi niya na dapat pang hayaan na mangyari 'yon.
Medyo nakaawang ang pintuan sa kwarto ni Toby kaya nasilip niya si Liam na abala habang hinuhubaran ng Tshirt si Toby. At si Iñigo,
He was looking at her! He's looking at her as if waiting for her to leave Louie's room. And he strategically left the door ajar for him to see!
He knew she's inside Louie's room kaya siguro hindi na nito tinuloy ang pagkatok sa kabilang kwarto!
Iñigo looks at her with so much disappointment she doesn't know what to do. Gusto niyang pumunta sa kwarto ni Liam, magpretend na nandun lang siya pero hindi niya nagawa. Nagu-guilty siya. So she left the boarding house instead.
----