28

1359 Words

Kanina pa excited si Ris, ngayong araw kami unang makakaranas sumweldo dito sa HP Corporation. Excited siya, dahil malaki-laki ang sasahurin namin kumpara sa sweldo namin sa restaurant. Nandito pa kami sa school at papunta pa lang sa parking. Ang dami nang nasa isipan niya kung ano ang mga bibilhin niya sa unang sahod. Hindi pa naman namin nakukuha. Mamaya pa pagdating namin sa trabaho. Sinabihan na kami kagabi ni Ma’am Tintin na kunin namin ngayon dahil hanggang 4:30 lang ang Treasury’s Office. Masaya rin naman ako, kaya lang ay malaki ang na-save ko dahil wala akong bahay na binabayaran. Kahit pagkain ko ay libre. “Anong gagawin mo sa sahod mo mamaya, beshie?” tanong sa akin nito habang naglalakad pa kami papunta sa kung saan naka-park si Mang Danny. “Itatabi ko!” sagot ko sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD