ITO ANG UNANG araw na pag pasok niya bilang isang empliyado na kilala sa bansa, hindi lang basta empliyado ang nasungkit niya dahil mataas kaagad ang naibigay sa kaniya na puwesto sa Cigarette Corp. Salazar Company. Ito din ang unang araw na makakausap niya bilang natural na sekretarya siya ng binata. Pero 'di niya inaasahang kararating pa lamang niya at hindi pa nga siya nakaka-upo ay pinapatatawag na siya kaagad ng CEO. Naisipan muna niya mag ayus ng sarili bago pumasok sa opisina ng binata. Pero hindi pa man natatapos ang isang minuto, habang kapit niya ang salamin na maliit at sa kabilang kamay naman ay lipstick muli tumunog ang telepono sa harapan niya. Agaran niyang sinagot. Akma pa lamang siyang magtatanong if sino ang nasa kabilang linya tila inunahan na siya ng madiin na salit