HINDI NIYA pinansin ang sinabi nito, bagkus mabilis siyang tumalikod na tila ba walang narinig. Patakbo niyang hinakbang ang ilang hakbang na pinto. Pero nagkamali siya ng akala. Mabilis din nitong nahawakan ang pulsuhan saka pinilit naman niyang bawiin iyon, kaso isang hila lamang nito sa pagkakahawak. Sumabay ang buo niyang katawan pasubsob sa harapan ng binata. Na ngayon ay malayang yakap na siya sa bewang. Nakatingin itong diretsyo sa mga mata niya. Gustong gusto niya itong itulak palayo sa katawan at kumawala sa pagkakayakap. Ngunit bakit hindi niya kayang gawin iyon? Bakit sa tuwing yayakapin siya nito, at titingnan. Bakit nawawala siya sa tamang pag iisip? Bakit hinayaan ang sarili na sakupin nito ang katawan niya? Wala silang relasyon nito? Aaminin niya, sa maliit na araw niyang