GABI NA NANG MAIHATID siya ni Niko sa bahay nila. Sa buong maghapon na magkasama silang dalawa, nagawa nila lahat ng nasa checklist niya. Thankful siya at hindi mainipin na klase ng lalaki si Niko. Dahil kung sa iba iyon, baka inaway na siya. Masyado kasi siyang mabusisi pagdating sa pagkausap sa mga supplier. At dahil iyon sa iisang goal niya mula nang pasukin niya ang mundo ng pag-e-event. To give her client the event they dreamed off. Iyon din ang dahilan kung bakit taon taon siya pina-promote ng Cashmere Events. Ngayon na Senior Event Manager na siya, expected ng buong team niya na hindi na siya magiging hands on. But she proved them wrong. Nanatili pa din siyang hands on sa lahat at one by one kinakausap niya lahat ng involve para lang maging successful ang hawak niyang event. Aftera