-Natalia- NAKATAYO ako sa labas habang mayroong hinihintay. Actually ay hindi ako umalis sa bahay ni Gray ngayon dahil buong araw kong iniisip kung ano ba ang maling nagawa ko, at ganoon na lang ang gawain n'ya. Pinagmamasdan ko lang ang tahimik na paligid hanggang sa isang nakakasilaw na headlight ng kotse ang pumasok. Wala naman ng ibang dadating dito kung hindi si Gray. Gusto ko s'yang kausapin, pero ayokong mag first move sa kan'ya. S'ya ang mayroong problema dito. Si Sam ang unang bumaba sa driver seat at si Gray naman ang sunod. Kahit na madilim ang paligid ay halata sa kan'ya ang namumulang mukha. Nagsasayang s'ya ng panahon uminom ng alak instead na magplano na kami. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya ng seryoso n'ya akong tignan mula ulo hanggang paa ng huminto ito sa harap
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books