Natalia's point of view "SI Gray!" inis kong anas ko. Tumayo ako sa monoblock na kinauupuan ko. Tinignan ko ang kamay ko ng hawakan ni James iyon. "Ayos lang ako," hayag n'ya. Hinawakan ko ang kamay ni James para tanggalin iyon sa pagkakahawak sa akin. Nahihirapan na nga s'yang magsalita tapos sasabihin n'ya na ayos lang s'ya. Hindi ko papalagpasin ito. "Kakausapin ko lang s'ya," sagot ko. Tumalikod ako kay James para umalis sa hospital. Pati ba naman si James pagtitripan n'ya? Paglabas ko sa hospital ay sumakay agad ako sa motor ko. Hindi pumapatol sa inosente, pero hindi naman makalaban ng mag-isa. Pinaharurot ko ang motor ko patungo sa lugar kung saan ang lungga ng mga kinulang sa bakuna noong bata sila. Naka-highspeed na ako para mabilis akong makarating doon. Hindi na naa