-Natalia- LABAS lang ang tingin ko dahil wala na akong pasyensya sa mga taong nakita ko. Kung hindi ko lang kailangan ang lalaking kasama ko ay dito pa lang ay ginulpi ko na s'ya. Hindi ako nagsasalita dahil iba lang ang masabi ko. Wala akong narinig sa pinag-usapan ni Gray at Edward, pero ang alam ko ay pinag-uusapan nila ako. Si Charlotte, noong una ay wala akong pakialam sa kan'ya, pero ngayon ay pikon na ako. "Samahan mo lang akong kumain," rinig kong saad ni Gray. Agad na nabaling ang ulo ko sa gawi ni Gray na nagmamaneho ng kotse n'ya. "Kakain ka lang?" seryoso kong tanong. "Oo," tipid nitong sagot sa akin. "Sasayangin mo ang oras ko para samahan ka na naman na kumain?" inis kong tanong sa kan'ya. Biglang huminto ang kotse n'ya sa gitna ng kalye at seryoso akong tinignan.