-Natalia- INALIS ko ang tingin ko mula sa madilim na paligid sa labas ng sasakyan na mabilis na umaandar. Nilipat ko sa taong katabi ko ngayon na seryoso ang mukha, pero dahil sa mabigat n'yang paghinga ay napukaw n'ya ang attention ko. Galing kami sa trabaho n'ya. Mayroong matinong trabaho si Gray hindi lang halata. Tawag n'ya ay Managing partner ng tatlong partnership. Wala naman akong ginawa doon kung hindi tumunganga sa loob ng office n'ya habang s'ya ay abala sa meeting at kung ano-ano pa ang ginagawa. Wala akong idea sa pagpapatakbo ng business kaya hindi ko alam kung ano ba ang mga ginagawa nila. Saglit na sumilay ang tingin ni Gray sa akin. Hindi kami madalas mag-usap simula kaninang umaga. Ako tinatamad akong magsalita, pero s'ya ay hindi ko alam kung bakit. "Are you