Kabanata 1

1068 Words
Kabanata 1 Sila Senyor at Senyorita, nakikita ko ang mga portrait nila sa mansyon minsan, kapag my pabonus kasi silang pera ay sa mayordoma namin kinukuha at may mga pagkakataon noon na nasasama ako ni Nanay at Tatay sa pagkuha noon ay kapag wala akong pasok. Habang ang nag-iisang anak naman nila, hindi ko pa nakikita. Naririnig ko lang sa kwento ng mga ibang nagtatrabaho dito, madalas ay kay Clara na gwapo nga at mabait daw. Hindi naman ako naging interesado kasi 'yong una kung naiisip ay trabahador nila kami at malabong mapansin ako no'n. Ang alam ko lang tungkol sa kanya ay mas matanda siya sa 'kin ng pitong taon. Balita ko pa ay nagtratrabaho raw 'yon sa malaking company ng mga Savedra bukod kasi sa business nila na pagsusumplay ng mga gatas ng Baka ay meron pa daw silang construction company. 'Yon nga daw pinsan ni Clara ay nakapasok bilang office clerk don sa construction company ng mga Saavedra. Tunay ngang mababait sila kasi hindi lang 'yon ang trabaho dito sa Hacienda ang kaya nilang ibigay, pwede ka nilang tulungan sa pag-aaral hanggang makatapos at saka kukunin sa company nila tulad ng sa pinsan ni Clara. Ganun din sana ang balak ko kaya nga nag-aaral ako nang mabuti eh, kasi kapag college na ako pwede nila akong pag-aralin. Kahit naman kasi hindi sabihin nila Nanay at Tatay alam kung nahihirapan na sila sa gastusin. Medyo late din kasi ako dumating ako sa buhay nila kaya, sa susunod na dalawang taon ay papasa na silang mga Senior Citizen. At kapag hindi ako kilala ng mga kakilala nila Nanay at Tatay madalas ay napagkakamalan pa nila akong apo na. Halos nasa tatlong oras din yong inabot bago tuluyang makapanak si Julia sa baby boy niya. Kinakabahan pa niya ako habang naglalabor siya kasi naalala ko noong pinanganak siya, nawala samin ang Nanay at ayuko din namang mangyari yon kay Julia at sa baby boy niya kaya paulit-ulit akong nagdadasal na maging maayos lang ang lahat. "Ang dungis mo na din!" pang-aasar sa akin ni Marco at saka kinurot ang pisngi ko. Hinampas ko naman ang kamay niya para bitiwan niya ang pisngi ko sabay sinamaan ko siya ng tingin. "Tigilan mo nga ako!" sita ko naman sa kanya at tulad nang madalas niyang ginagawa tinawanan lang niya ako. At dahil okay naman na ang lahat nagpaalam ako kina Nanay at Tatay na ayusin ko na muna yong sarili ko bago umuwi. Malayo-layo din kasi ang bahay namin sa rancho. Hindi na din nakakapagtaka napakalaki nga ng hacienda ng mga Saavedra at nasa pinakadulong bahagi pa ang bahay namin. Aabutin pa halos ng isang oras bago makauwi ng bahay. Mabuti at may malapit na talon sa lupain ng mga Saavedra na pwede mong pagliguan kaya doon na lang muna ako. "Doon tayo sa talon!" yaya ko kay Marco, tumango naman siya at saka kami nagdesisyon pumunta na. Wala din halos napunta sa talon kasi busy 'yong mga tao at karamihan mas gustong umuwi at doon na rin magpahinga pagkatapos magtrabaho, madalas nga ay kami lang ni Marco na dalawa - nagpupunta. "Mag-ingat kayo at huwag magpagabi," bilin pa sa amin ni Nanay at saka kami sumakay ulit sa kabayo ni Marco. "Grabe kanina pa ako nanlalagkit!" sabi ko 'kay Marco at saka ako dali-daling nag-alis ng t-shirt. Sanay naman na kami ni Marco sa isa't-isa at para sa 'kin para na kaming magkapatid hindi din naman 'to yong unang beses niya akong nakitang nakabra lang. Tulad nga ng sabi ko madalas kami dito na kaming dalawa lang, para mag-bonding habang naliligo o kaya ay magpi-picnic. Minsan nga ay inaasar pa kami ni Clara kasi para daw kaming mag-boyfriend sa mga ginagawa namin. Nangungulit din kung nanliligaw na raw ba sa 'kin si Marco o kaya naman ay kung nagkakagusto na daw ba yong isa samin sa isa't-isa at kung my umamin na daw ba samin ni Marco. Madalas ay napapailing na lang ako, sabay buntonghininga at sasabihin sa kanila na parang kapatid ko na nga si Marco para lang hindi na niya ako kulitin. Sinabit ko sa mababang sanga ng puno ang damit ko at saka siya nilingon para ayain namaligo. Nagtaka pa nga ako nang makita kung nakatingin lang siya sa 'kin at saka siya sunod-sunod na napalunok. Nauuhaw ba siya? "Nauuhaw ka?" tinanong ko siya na may halong pagtataka. Nakatingin lang siya sa 'kin pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya nilapit ko siya. "Hoy! Ano nga nauuhaw ka?" At saka ko siya tinulak sa balikat niya parang nawawala na naman sa sarili eh. "O-oo?" mukhang hindi pa siya sigurado sa sagot niya kaya napangisi ako. Pero bago ko pa siya maasar lumapit siya sa 'kin at saka nagpaalam na. "Kuha lang ako ng bamboo don!" At mukhang tinotoyo na naman ang Uncle ninyo kasi hindi man lang niya inantay ng sagot ko at dali-dali na siyang umalis sa harapan ko. Ang weird talaga ng lalaking 'to minsan! Meron nga palang klase ng bamboo dito na may tubig-tubig sa loob na pwede mong mainom at iyon ang kukunin ni Marco. Hay, bahala nga siya, susunod din 'yon agad at hindi makakatiis sa lagkit din ng katawan niya. Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko nang may bigla akong naisip. Wala pa naman si Marco kaya okay lang naman siguro 'to! Kinalas ko din ang botones ng shorts na suot ko at saka sinamang sinampay sa t-shirt ko. Nakatawa pa nga ako sa ayos ko, nakasuot ng bra at panty at nag-iisa sa talon. Nako, sana lang walang maligno na ma-in love sa akin! Kakatakot kung sakali! Dali-dali - akong tumalon sa tubig para matago ang katawan ko at para malinisan na rin ito. Sa sobrang enjoy ko sa pagswi-swimming, hindi ko na alam kung gaano ba katagal nawala si Marco. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa ibaba ng talon dahil na din sa mainit na panahon at ang sarap ng malamig na tubig sa katawan naisip kung umupo sa baba ng talon para bumuhos yong tubig sa katawan ko, madami at malakas nga lang yong bagsak ng tubig sa katawan ko. Naka-lang minuto pa lang ako ay naramdaman ko 'yong pagkalas ng bra ko sa dibdib ko! Tamang-tama na wala pa naman 'tong lace at tube style lang. Napatili ako at tuluyan nang naagos ng tubig ang bra ko sa katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD