Kabanata 2

1011 Words
Kabanata 2 Lumingon muna ako sa paligid pero wala pa din si Marco! Syet! Agad akong napababa para habulin yong bra kung tinatangay na ng tubig. Mabuti na lang at wala pa si Marco! At mahihimatay talaga ako kapag nakita niya akong nakahubad! Sanay akong lumangoy kaya nakuha ko rin agad yong bra ko. "'Langya! Kinabahan ako doon!" sabi ko sa sarili ko habang nakahawak sa bra kung nakataas. Syempre expose na expose yong dibdib ko, mabuti at ako lang tao dito. "Wow, nice breasts. Round and big!" Para naman akong iniwan ng kaluluwa ko nang makarinig ako ng hindi pamilyar na boses sa kung saan. "Wow, nice breasts. Round and big!" Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya, at ramdam na ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng buong mukha at mga tenga ko sa sobrang hiya! Sino ba kasi ang lalaking 'yon? Ngayon ko lang siya nakita at mukhang hindi pa talaga dito! Masyadong maputi na mukhang hindi naarawan! Mukha pa ngang may lahing foreigner kasi ang tangkad, mas matangkad pa kay Marco at halatang hindi siya tagarito. "S-sino ka?!" Abot langit ang kaba ko at wala na akong paulit-ulit na hinihilingin kundi ang pagdating ni Marco! Agad kong iniyakap ang mga kamay ko sa dibdib ko para matakpan kahit man lang ang n*****s ko. "Too late, I already saw everything," nakangising sabi pa niya sa 'kin at mukhang natutuwa pa siya. Halos maiyak naman ako sa sitwasyon ko ngayon. Paano na lang kung may gawin siya sa 'kin, sa laki ng katawan niya, at mukhang may abs pa! Tulad ng mga lalaking napapanuod ko sa TV! Urgh! Ano ba 'tong mga pinagsasasabi ko?! Tama bang pagpantasyahan ko ang isang estranghero, at sa ganitong sitwasyon pa talaga! Paano na lang kung may lahing manyakis pala 'to at kung ano ang gawin sa 'kin? Huwag naman sana. Lord help me! "Kenzo, bro! Where are you?" Mas naging double naman ang kaba ko nang may isa pa kaming boses na narinig! Hindi siya nag-iisa! OMG! OMG! Paano kung i-gang rape ako ng mga 'to?! Napaatras naman ako mula sa kinatatayuan ko at sa pagkakataong 'to hindi ko na maiwasang umiyak, halos manglabo na nga ang paningin ko dahil sa mga luha ko. Nakatitig lang siya sa mukha ko at wala akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha niya. Naghalo na nga yong lamig na raramdaman ko tubig at takot eh. Halata na ang panginginig ng katawan ko. "Bro, you're just here!" Eto yong lalaking may-ari ng boses kanina! Makikita ko na rin sana ang mukha no'ng lalaki kaso lang biglang gumalaw 'tong pervert na nasa harapan ko kaya natakpan ang view! At humarap siya doon sa kausap niya. "Don't fvcking move!" sigaw niya roon sa naghahanap sa kanya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba or galit talaga ang boses niya. Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko at kahit na alam kong hindi naman niya sa akin sinabi iyon, sa takot ko hindi na rin ako napagalaw. "What –" Hindi naman niya natapos ang sasabihin niya. "Just... just fvcking get out of here and wait me for me at the mansion." Hindi ko makita ang reaction ng kausap niya at hindi ko din kasi maintindihan yong usapan nila. Kaya hindi na muna ako nag-react. "Fvck you!" 'Yo'n na lang ang huli kong narinig mula roon sa isang lalaki. "Are you done dressing up?" malamig na tanong niya sa 'kin habang nakatalikod pa rin siya. Well, halata namang sa 'kin niya tanong 'yon since ako lang naman ang nakahubad dito. Umiling naman ako kahit na hindi niya nakikita at saka dali-dali kong sinuot sa akin 'yong bra ko at umahon sa tubig para makuha ang t-shirt ko at makapagbihis na rin. "O-oo," nauutal kong sagot sa kanya matapos kong maisuot ang t-shirt ko. Muli naman siyang humarap sa 'kin kaya napahawak ako nang mahigpit sa sanga ng puno kung san nakasampay kanina yong mga damit ko. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata ko at hindi ko talaga maiwasang ilang beses na mag-iwas ng tingin. Nahihiya ako, naiilang at natatakot. Imagine, nakita niya ang hindi dapat makita, at hindi ko siya kilala! Akala ko may sasabihin pa siya, pero wala naman na saka tinalikuran niya ako at saka naglakad palayo hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko. Doon naman ako at naiwan, napaupo na lang sa kinatatayuan ko. Ngayon ko lang naramdaman ang panlalambot ng mga binti ko sa sobrang kaba. "'Nak, sigurado ka bang hindi ka na sasama samin?" tanong sa akin ni Nanay. Marahan naman akong tumango at saka ngumiti sa kanya para maniwalang okay nga lang. "Oh, sige uuwi rin kami ng Nanay mo agad at kung pwedeng mag-uwi ng pasalubong sa'yo basta ba papayag si Aling Sanya, magdadala kami," sabi naman ni Tatay. "Okay lang po, Tay, Nay. Enjoy kayo." At saka ko sila binigyan ng tig-isang yakap bago sila tuluyang umalis. Nang tuluyan nang umalis ang lalaki, doon naman dumating si Marco. Gustong-gusto ko siyang awayin kasi ang tagal niya at sisihin sa nangyari pero agad ko ring naisip na mali 'yon. Magkaibigan kami ni Marco, at hindi mag-boyfriend, kaya wala siyang kahit anong responsibilidad sa akin, at kung sakali mang sabihin ko 'yon sa kanya, baka makarating pa kina Nanay at Tatay. Gagawa lang ako ng ikakapangamba nila. Ayokong maging sakit pa sa ulo nila. Pero napansin niya ang pamumula ng mata at ilong ko sabi ko sa kanya ng dahil 'yon sa tubig kaya umahon na rin ako. Mabuti na lang at na-convince ko siya at nabigyan din ako ng oras para mahimasmasan kasi naligo muna siya habang binigay naman niya sa 'kin ang dala niyang mga prutas at 'yong bamboo na may lamang tubig. Uminom na lang ako ng tubig para makalma kahit papaano at saka niya ako hinatid pauwi ng bahay.  Tapos 'yon na nga, umuwi sila Nanay at Tatay isang oras bago magtanghalian para daw isama ako kasi invited daw ang mga nagtratrabaho sa hacienda sa pagsasalo ng mga Saavedra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD