"Sam, gusto ko lang malaman kung ligtas kang nakauwi." "Christopher, okay lang ako, huwag kang mag-alala sa akin. Inaway ka ba ni Amanda?" "Lagi namang galit iyon, huwag kang mag-alala hindi ka niya mahahawakan." "Maraming salamat Christopher. Sa pag-aalala mo sa akin." nang makita kong lumabas sina mommy at daddy ay hinarangan ko si Chris, nag-alala ako na baka saktan nila ito. "Bakit lagi mong dinadalaw ang anak ko?" tanong ni daddy kay Christopher. "Gusto ko lang makasigurong ligtas na umuwi si Sam." tugon ni Chris kay daddy. "Pumasok ka na Samantha, kausapin ko lang si Christopher." "Dad, huwag ka nang mangialam. Masaya ako kay Chris, mapagmahal siya at maalaga, mauna na ako sa loob Chris kung may problema tawagan mo lang ako." "Christopher, bakit lagi kang nakabuntot sa